Euro Crisis ????

Friday, February 19, 2010
Bonjour!

Since the euro currency went down last week, every one blamed it to Greece.
Tagalugin ko na lang.
Baka may masagasaan ako, Im not ready to any fights at the moment.

1.Dapat daw balik dracham na lang ang Greece, wag na sila sumali sa Euro zone countries.Pasaway sila, hindi kumikita ang bansa nila, sasali sila sa Euro!
Dracham na lang, para sila lang ang babagsak!
Bakit sasagipin sila, kanya kanyang kayod yan noh!
Hmmnnnn....

2.Dapat daw maging mahigpit sa implementation ng taxes ang Greece govt, para naman kumita ang bansa nila.Relax daw kasi sila sa taxes.Di gaya ng France,patranslate lang ako ng docs from english to french, binayad ko, konting kita naka vat 19.6% agad!

3.Nagagalit naman ang taga Germany. Bakit daw tataasan ang retirement age sa 67 sa Germany, para i tax pa daw ba sila lalo ng matagal? Para may pondo lalo ang Germany? Para lang ba ma save ang economy ng Greece na ang retiring age nila is 63!
Unfair!

So nag meeting ang mga Presidente sa Europe, naging "madrama" ang pahayag ni Sarco, presidente ng France,(nahawa siguro kakapanood ng korean telenovela), matigas naman si Merkel, Chancellor ng Germany na tumulong kasi nagagalit ang mga constituent nila.

So, nag meeting sila sa Brussels.

Na ispatan nila si Gordon Brown,sa isang sulok,siya naman ang Prime Minister ng UK na ang drama na man, eh being "jumpy"; na sa pagkakaintindi ko eh, gulatin, may kaba, hindi alam ang kalalagyan, na suma total parang sinasabing;
" hey, paki ko, hindi euro pera sa bansa ko, kundi Pounds!"

Until si Barroso ng Spain, nag sabi na sige deal na lang tayo.
Na ang i de deal pala nila eh;

"Hayaan natin ang sitwasyun, baka ma solve din yun on its own."
(Bwahahaha!)
Nag deal pa!

Meaning, tago na lang muna sila sa kanikanilang kuarto(bansa), patayin ang ilaw(isyu), mag muni muni until harinawa, may dumating na "Messiah" at mag solve ng situation ng euro.

Maaring hindi ka affected kasi iba ang currency ng bansa mo. Pero ang euro crisis, i sliding down ala domino ano man ang pera ng nasa bansa natin kasama na peso?

How to gain when euro is in pain?

Labels:

 
posted by Francesca at 10:24 PM, |

15 Comments:

mas lalong lulubog economy dito if ganyan mangyayari sa euro... ur fone is doing good. pina-open ko na sa fone repair shop. thanks again...amping:-)
btw, si Barroso ang president ng European Commission. He used to be prime minister of Portugal.
korek, pres pala ng spain si zapatero.Yan kasi!

lola nyo nakikialam sa politika, ng walang dalang bala.mia culpa.

Oh, sabi sa bbc news, pati pala portugal ireland italy germany and spain (PIIGS) kasama sa downfall ng euro.
at kung babalik sila sa kanya kanyang currency, mga international investors, baka mag back out!
Laking problema nga yan!

Noon US currency ang bumagsak ang value, then sterling/ pounds, now euro.
Hala!
Sino naman kaya ang makikinabang kung babagsak ang Euro?
OMG. Papano ang Philippine peso, magiging wallpaper, panggatong, or play money for Monopoly board game.

Please God save the baby!!!!!!
Hehehe! Pag nagkataon babalik na sa Mickey Mouse money ang pera ng pinas!

Whahehehe! Wala nang mangyayari sa buhay natin...kung ang Eurong mataas pa rin ang value nagiging problema pa, paano na ang bansa natin bka wala ng maging value kahit anong property na meron tayo doon?

Ay buhay.
veta, you are lucky, phone ni lolo yan, naipamana sa yo, hope you enjoy it, kahit luma na.

Rhada, hi! ok naman sana ang euro may pakinabang, kung andito ka sa europe, yun ang pera dito eh, hehe.

Anonym, di bale, balik nalang tayo sa barter trade, isang kambing kpalit ng isang sakong bigas, haha
ayie,unga nga, the more you have the more problems. Kahit na nagiingat.

Uy pagnag rant sa blog, gayahin kita, with style, hahaha
LOL madam! Kapag bumagsak ang Euro at humina ang spending power, tiyak na mababago din ang lifestyle ng mga Europeans na ginagawang DIvisoria ang US. Kung dati-rati ay panay ang byahe ng mga Europeans sa US dahil nga sa taas ng Euro rate, baka this time kami naman ang makakabisita ng madalas sa Europe. Iyan eh kung makakabangon pa ang dollar. LOL
Haha,Rhads, ginawang Tutuban ba ang US!

Oneday, ang Europe, maging BACLARAN naman, haha.

Baka even Louis Vuitton, baka dating 700€ eh, i buy one take one na lng.
Sus kelan kaya yun, yoko na ng SM(Salamat Madame!)na bag lol!
salamat sa info mo ha...dito nalang ako mag-basa nang update tungkol sa eu wala kasi akong kaalam alam dyan...

salamat din sa comment mo..hehehe
nice to meet you in bloggsphere
kepp in touch and happy blogging...

happy monday in advance...
Kaya parang ayaw ko ng sa planong integration of the GCC monies into one single currency.. buti na lang nag back out ang UAE.. kung matuloy man.. okay lang kasi UAE, because of Dubai, is now the sick man in the Middle East.. baka pati income ng mga kawawa nating mga OFWs ay maapektuha dahil sa inflation ratios.
actually the real story is that greece lied to the EU. the government lied about their finances, they lied about their debts and goldman sachs corroborated in these lies. i wonder how much goldman sachs earned from this conspiracy. now their lies are catching up as greence is in the brink of bankruptcy.

its not helping that spain, ireland, italy and germany have huge deficits as well (and high unemployment rate).... and UK too.

-DP
me, sige, bisitahin kita, and vice versa.

Braggito hirap nga yang integration ng currencies, kasi if lahat nag wowork, ok, if isa or dalawa lang , then drags down the others, tumba lahat.

DP, kelangan ata, more tourists like you sa Greece, para may income sila, hahha.Tara na sa GREECE kasi sa Portugal binabaha.

Hays.
...glory that WAS Greece pala talaga, mahina na sila ngayon. Na-inform ako nitong post n'yo. Hindi ko alam ang economic status ng Greece. U

Base sa kwentuhan ng mga Euro countries dito sa post, parang nakalimutan na nila ang naiambag ng Gresya sa Europa, o sa buong mundo.

Ganda naman ng rhyming statement sa dulo. o",)