Got to go to Bed

Monday, January 31, 2005
I planned to finish the two last chapter ng "The Partner" of John Grisham.
But I was hooked to blogging!
Besides check ko pa availability ng Emirates to Manila!
In August!LOL
Meron pa seats for two pwede kami ni Michel, kaya bukas, mag sasabi ako sa employer ko.
Uwi ako ng Pinas, yehey!
Sarap ng may papel.
Phils, here comes the ME from France...



Okey, got to log off.
See you girls/ guys tom.
 
posted by Francesca at 11:15 PM, | 5 comments

Tid bits

When at work, at times I got to answer calls.

Riiiing, (telephone rings)
Me: Residence des Smiths...Bonjour?
Sir: Madame est la? (Is Madame home?)
Me: No Sir, she went to the Hairdresser.
Sir: Okey, I kill her later eheste, call her later.

Hirap mag English ang isang French!
~~~~~~~~~~~
We are discussing divorce and annulment in Europe.

Madame : So it is very difficult to get a divorce in your country Phils?
Me: Yes Madame.
Madame: In here you just go to the court, get a lawyer, then file a case, later in six months you got the divorce.
Sagot ni Sir: Sa Switzerland, three months. And the reason of the Swiss husband is , his wife cooks too much Arabic food, Cous Cous!
Me: What is it?
Sir: Arabic food, corn rice, with tomatoe sauce and saussages and fried chicken combined all together in the plate.

Dapat lang i divorce! Sa dinami dami ng masarap sa Switzerland, Cous cous pa ang ihanda!
~~~~~~~~~~~~~~~
One time madame is screaming in the bedroom.
I ran and checked:
She said: Is these the things taken from my husbands' luggages when he traveled from Brazil?

Me: No Madame, that panty and bra are yours, I made a mistake I put them in his closet, istead of yours. hehehehe.

(muntik na ako mag cause ng divorce nila!)
~~~~~~~~~~~~~


When too much ironing and less time i have to be in a hurry.
When I come back the next day, Madame is showing me some of her husbands' Poloshirts, one sleeve is not ironed.
Ngyaiks, pano nga naman masuot yon?
~~~~~~~~~~~~~~~


Sa dami ng gagawin, sabay pa darating ang order na groceries. So lagay sa mga closet at ref.
Lagay din ako ng mga naka tetra pack solo orange juices.Aalisin ko yong plastic non, hiwain ng kutsilyo.
Madalian, wala na time, uwian na.
Next day nasa office table ni Madame, letter to the grocery shop.
Yong naka tetra pack na juices, biyak ang box pag deliver, three boxes of ten each.
Kaya she complain via letter to have it returned and replaced.
Deadma ang grocery shop after three days, di sinagot ang demand letter.

Later kaya pala biyak lahat, pag hiwa ko pala ng plastic covers, sabay sa tetra na hihiwa.

Kasalanan ng kutsilyo. Masyadong matalim, sabi ko kay Madame.hehehe
~~~~~~~~~~~~~~~~~


Once, sinabi niya plantsahin ko raw in low heat yong leather jacket niya na biege, but with artistic design at the back.
Roberto Cavalli ang tatak!
75, 000 pesos sa pera natin.
Sabi ko di pwede plantsahin dahil skin leather na super nipis ang material.
Ayaw makinig.
Pinalantsa ko nga.
Sunog!
Hysterical si Madame.
Tapon na raw, ayaw niya makita!

Nasa akin ngayon yong jacket.

Memorable remembrance, hehehehe
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gigil na gigil si Madame, hindi mahanap ang garage (parking) card.
Lalabas siya, nakafur coat and kontodo bihis, tapos hindi niya ma out of parking ang kotse, kasi yong chips card to open the garage door, dala ni Sir.
Si Sir, nasa Espagna!

Maktol ni Madame:
Dalawa naman ang parking card na yan, kung bakit,pati yong sa kotse ko, dala dala nya!
Me: Kamamadali siguro Madame!Nadampot yong sa iyo?
Madame: Next time, kabitan ko ng electrical ground yong card, makita niya! Bzzzzkt!
Di makoryente siya, di na niya madala.

What a couple.
 
posted by Francesca at 10:08 PM, | 0 comments

Miss T Blog

Sunday, January 30, 2005
I was browsing at Miss T blog about Holland and I fancied her post about Dutch Cuisine and I sent her a yahoo message what is the green vegetable that was mentioned in the menu.

Boerenkool.

I asked her:

Me: is it Brocoli?
Her: No
Me: Spinach?
Her: Sort of but not Spinach. Grows only in Holland, not in France.

I asked Michel if he knows about the vegetable.
Alam niyo ginawa?
Punta siya sa kusina, look deeply into his cook books.
I told MissT and she was laughing.

MissT: Tell Michel he cant find it in french books as it grows only in Holland.
Besides with the Dutch, they dont have cuisine, only food.
Me:Eh he doesnt want to give up, LOL! It is a challenge, he must know it!
MissT: It is a curly green vegetables and Dutch said it is kail something...
Me: Michel found one in his books: spinach beet!
MissT: Looks like it but not the one.Tell him to stop digging, he cant find it.LOL

Eventually Michel said: One day we have to go there(in Amsterdam)
Me: To see them?
Michel : No, to see what vegetable is it!I am really challenge!
Seems the Dutch people got humour that escaped me!
 
posted by Francesca at 10:12 PM, | 10 comments

Michel and his antiques

Lagi yan, pag nag bisita sa cave (storeroom) si Michel ,husband ko, pag balik may bitbit for the house.
Yong Cave namin under lang ng bahay, andoon ang mga abubut niya, mga for ages na.

Minsan dala niya from there, paintings!
Anhin ko yan? Tanong ko.
I hang ko raw!
Yoko, 19 forgotten yan!
Sabi niya, oy, mahal bili ko nito,
Antique ito.
Di bale na, sabi ko.
Gusto ko nga modern ang designs ng bahay eh!
Wala magawa, bit bit pabalik bigat bigat pa naman.

One time bit bit, malaking carpet!
Persian ata yon or Arabic, di ko na tiningnan.
Gusto ilagay ko sa floor, winter na raw, kelangan may carpet.
Yoko din!
Hirap mag linis non ha!
Sabi ko palitan ng maliit lang, for the bedroom and for the sala.

Balik na naman siya to the Cave, !LOL
Eh kasi ayaw muna mag tanong bago bit bitin !

One time inayos ko ang closets niya.
Lahat ng ayaw ko na makita na suot niya, I put it in the box, good for the Bin.
Umatungal!
C'est pas possible daw, mahal daw bili niya non, mga high quality!
Sabi ko:" be modern , my husband, suits of 1945, dont wear it anymore".
Pati mga pull niya na pang lolo tingnan, ayon all goes to the cave.

Lamentations niya later pag akyat:

"Before, my life is perfect and quiet!
When you arrive ,everything goes upside down!"

Di ko pinansin!LOL
 
posted by Francesca at 9:41 PM, | 1 comments

Sunday Duties

As usual, pahabaan ng tulog pag Sunday.
Kaya lang at 9 am kelangan gumising.
Mag pakaholy muna. Besides duty to call Pinas.
Buti gamit ko skype, kaya usap kami ng anak ko via pc to pc.
Economize bayad sa telphone bills long distance!
Kita pa niya ako via webcam.
Miss ko na mga anak ko.

Buti okey naman daw ang internet shop.
Maganda ang games ngayon mabili ang MU daw yon?
Then nabili na rin niya yong xerox machine.
Second hand, reconditioned and may enlarger at reducer.
Sama na ink, powder.
As usual refer ni Atty para tipid.
Doon din kasi siya bumili.

Then, linis bahay, laba.
Kakatamad gumala, over sa lamig!
Lagi ako may hawak na hot tea.
Itong si Michel yong bagong bili ko na frozen na hamburger patties, nilagay outside the freezer, ayon thawed na. Di pwede ibalik sa Freezer, kaya option ko is to cook it.
Ginisa ko sa sibuyas, butter, bawang, then tomatoe paste later, ayon may sauce na kami for pasta!
(ay teka lang, naalala ko nag papakulo ako ng water for the pasta, be right back!)
Okey, done, i told to Michel to look after it.
Im busy sa PC! hehehehe

Then yong past employer ko, tawag ng tawag, kelan ko raw siya itsika ng buhay ko na.
Kasi best friend ko yon and I worked to her once a week, pero ano ka, manager siya ng Meryll Lynch and teach niya ako how to make more money in bank via investments.

Maliit lang pera ko sabi ko sa kanya.
Tange, sagot sa akin, sa maliit nag sisimula ang malaki!

Until now, di ko pa siya natatawagan, naka tatlong message na siya sa cellphone ko.
I email her na lang after this.
Kasi to call, takes me alot of time, kasi super ma tsika yon.
Para kaming old ladies kung mag chat up.
Sinasama niya ako mag coffee sa Cafe de Paris lagi pag tapos ko work sa kanya.
Nag iisa kasi at kelangan niya lumabas once in a while, wala siya kasama.
Once, I joked her, if she continue having coffee with me in cafe de Paris, mapagkamalan kaming nag papapickup, haha.
She answered; Hey, if we are, you will be taken first, not me.

She missed me very much daw ayon sa message and she is calling not for work but for just to see me.

Nice.
Kaya lang wala talaga ako time.

Email, meron, hihihihi.

Oy thanks kay taga Aix en Provence, nag babasa pala ng blog ko.
Taga Paris din Kaibigan ko, nag babasa rin.
Hope you dont make sawa to read my kalokohan dito sa France.
 
posted by Francesca at 9:27 PM, | 2 comments

Saturday snow in Nice

Saturday, I went out of the house, following Michel to the parking lot, open parking lot but privately owned, kapal ng yelo sa top ng car. Shocking!
Besides nadulas ako, kasi akala ko di naman basa ang ground, hindi nga, icy naman!
Di talaga ako sanay!
Eh ang Nice, never na nag snow dito kasi malapit kami sa mediterranean sea.
Buong France nasa super lamig, kami sa South of France nag lalaro lang sa 8° the coldest so far!
That day, it was 1° and with snow!
Miracle nga, sabi ni MissT.

Anyway, ayaw mag start ng car, ayaw rin ng mechanicals, ayaw mag start ang wiper, eh puno ng yelo ang harap ng windshield.
Ayaw bumaba ng windows, kahit i manual pa.
Nag isip si Michel, 7 am na ha?
Male late kami pareho sa work!
Pasok ng bahay, kinuha ang ice scraper niya of long time ago, 15 years old!
Meron siya non, from England pa, LOL
Normally wala ang mga taga Nice ng ganon, pero siya meron.
Inggit ang mga katabi namin sa parking lot!
Kasi sila wala.Haha.

The car started at last, madulas ang road, dahil icy nga.
Ingat na ingat si Michel, dati takbo non, 60kms, now 20 kms lang per hour, baka sumemplang kami.
Binuksan niya ang heater ng kotse, full volume.
Nangangamoy sunog!
Lalo ako natakot!
Sabi niya, na check na itong kotse last month okey naman daw, bat ngayon amoy sunog!
Try niya buksan ang glass window, ayaw!
Kaya habang nag drive, bukas ang pinto, kasi amoy sunog kami sa loob.
Lalo naging maginaw!

Sa wakas, Nice Train Station.Tagal ng hintay ko , 40 mins late ang train.
May snow sa railways, kaya stop ang train hanggat di nililinis.
Ano ba yan?!!!
Bago ako iniwan ng asawa ko sa Train entrance, he said Im worried you have to work today, it is snowing!
Wawa naman ako!

Totoo, super lamig talaga. Naka boots na ako, wool ang medyas sa loob, naka thick pull over, wool long coat, naka bonnet hat and gloves, wala rin, malamig pa rin.

Di ko kaya huminga sa lamig!Yong ilong ko, running nose na! Takip ko nga yong scarf ko.

I look like an Arab!

Pag dating ko sa work, sabi ko sa Madame,
May snow sa Nice!
Shocked si Madame!
Ano raw yon, naligaw!
Sabi ko first time ko madame to see snow!
Ows! really daw!
Mind you , pasipsip lang yon, ano ka, naka ski na nga ako year 1998 sa Isola 2000! LOL

Anything para maganda ang umaga ko with Madame.Late ako eh, hehe.
 
posted by Francesca at 9:09 PM, | 1 comments

Snow Today Outside!

Saturday, January 29, 2005
I was in the bathroom when Michel called me.
He said, Olaaahh come,look!
It was snowing heavily since last night!
Our car at the parking lot has full of it on top!

Very nice and beautiful!White and glistening.
But very cold! brrrr!
Okey got to go, see you later girls!
Keep reading, and just smile , no laughing ok.
Baka mabilaukan kayo sa kape nyo.
(wink)
 
posted by Francesca at 7:08 AM, | 4 comments

My Blog posts for today

Friday, January 28, 2005
Girls, and husbands as well,

Ayan dami ko na tsika, kasi okey na naman ako.
Busog na, kaya gumana na naman ang brain ko.
Teka, may brain pala ako? Since when?

Last night wala talaga, nagising ako 12 midnight na.
Then kakain at tulog ulit.

Besides yong PC ko, nang aasar!
Ayaw mag explorer, although connected.
Natulog na lang ako uli.
Kay ito naipon ang funny posts ko.

Thanks to those that said they enjoyed reading my blog!
Here are the emails from them:


My friend ; I laughed so hard sa pantyliner entry mo.

I READ YOUR ESCAPADES GRABE KA TAWA AKO NANG TAWA SA BRIEF NI MICHEL LOKA LOKA KA TALAGA BUTI NA LANG SI MICHEL MADLY IN LOVE TALAGA SA YO KAYA KAYANG KAYA MO SA MGA KAKENGKUYAN MO ...



Ganda naman yung ginawa mo na blogspot. Pag gusto ko din gawa nun, pano yun? LOL

you are the only one i know who can make an adventure out of finding a job, hahaha. keep posting, it's fun reading your stories, hahahaha.....

You made me laugh of your experiences! Its funny!


Thank you.
Keep it coming girls!
Bow!
 
posted by Francesca at 8:48 PM, | 0 comments

Job Interviews, October 2004

From my Computer Files:
Worth reading, so I posted it here.

I was ready for full time work, mukhang kaya na ng likod, he he , adjusted na naman mag katulong ng mahabang oras, I put an ad at Monaco newspaper. Ito ang mga tawag, matatawa kayo! My phone rang.

Allo, I answered.
Vous parlez anglais? (you speak english?)

Yes , sir.

I read your ads in Monaco newspaper, you are good in massage?

"Sir, repassage, not massage."
"And what is repassage?"

"Sir it is ironing- repassage, not massage."
He put down the phone.
Loko yun ah, ano kala niya sa akin???!!!

My phone rang again after one hour.

Allo. Vous parlez anglais?
Yes, Sir.

I am English and read your ads, can you work in the evening?
What time to what time sir?
7 pm, stay/sleep in the house then go home at 7 am. You can have dinner and breakfast here in the apartment if you like.
And what work will I do?
Only as a sitter for me, as I am 91 years old, my wife is going to London for two weeks, I need someone to look after me in case I got some health problems to call hospital etc etc.

How much you offer per hour?
As you wish...
Its 15 euros per hour, not a problem?

No, not at all.

(I started counting in my brain how much for the night! he he)
Okey, sir, I would like to see you first.

I live in.... (as he told me, wow, flush building in Monaco, he must be really rich!)

Okey, sir, appointment is at 6pm, is that okey?
Okey.

6pm, I went to the concierge of the building.

Concierges are hard to deal with! grrr They told me off! One said, you are not supposed to use this elevator going up to your appointment, as this is only for guests and owners of the buliding.

Taray! Sige na nga.

So I used the employees' entrance at the back of the building and use the employees' elevator. I met the old man,14th floor, discussed with him, he said,

You will have your room for the night, blah blah for two weeks. I pay you 180 euros per night (12,000 pesos), you will not work anything, just to call ambulance or police in case of emergency. I need someone with papers , will you accept it?

No. I cant. Sorry.

I gather already he is more of naglalaway when sees me than anything else!Mukhang manyak, yay!

I just got married last August, my husband will not alllow me to leave home in the evening as you can imagine, but I will refer you someone."

I called my old buddy Filipina if she is willing to take it, ask the name of the old man, then told me the "great news".

That old man is a maniac. He likes to be cuddled in the evening, or likes you to touch his "you know what", and some filipinas working with him gave up because he touch them while working even on daytime.

Ngiihhh.

Third call:

allo!

(in french immediately,mama mia!)
" I need someone to take care of my handicapped child, give him a bath etc etc, he is now 21 years old....etc etc. We offer good salary....." ( and she rattling on and on)

I told her:(in my broken french:) Madame, sorry, already have job, your call is late.

Next post folks, about my new work! Just keep online, he he he In case you wonder what Michel thought about me, working like this(house employee?) No worry from him. He knows I am making good money in this and I am choosy whose/ what kind of employer to take.

And then Butler came into my life...
Music please...
 
posted by Francesca at 8:39 PM, | 0 comments

Fur Coat

Grabe ang lamig 1° sa Nice , so I suggest to Michel what he thinks about it:

What? he asked me.

I plan to wear my fur coat going to work today.
He was laughing!
And I was serious!

Whats wrong with it, tanong ko.
The more he laughed!

He said, if your employer sees you wearing a fur coat and a good one (vison lang naman hihihi)
They will check their closet if one of their furs was missing!

Ay?
 
posted by Francesca at 8:26 PM, | 2 comments

Milan, Mulan the Movie

From my lawyer, here is the story.

She told me, she got a client from Paris.

She found a Frenchman to marry after a bad marriage with a Pinoy, so she too is filing an annulment.

As she was staying long in Phils, my lawyer told her to watch the film Milan as it is a very good movie for the Pinays.

After two weeks, my lawyer asked her (while waiting their court schedule) nagustuhan ba niya yong movie na Milan?

Pinay said: ah oo, maganda! Cartoons nga lang!

Mulan pala pinanood, nyahahahhaha!
 
posted by Francesca at 8:16 PM, | 0 comments

Arranging the bed

As I work in a family with quality taste (daw) , at times I want to do the same quality to my home.
I check the closet of our bedroom what we got and what I can do to our bed.
My employers' bed have a lot, alot of pillows on top of bed.Ganda!

Hmmn, not bad, sabi ko, I can do the same.
So change bed covers ako sa bed namin, "matutuwa" si Michel!
May class , sa wakas ang bedroom namin.

Labas ko yong binili ko sa Pinas na set, bago!
Emroidered ba, then cream ang color, three count cotton 100%, then labas ko around five throw pillows to put on top!Parehong punda kaya ganda ganda!
Pang Madame na!
Ganda, sabi ko after a few touches.

Then balik na ako sa Pc, si Michel nanonood ng film.

Mayamaya, tulog na raw siya!
Sabi ko sige, one minute, join na ako, tapusin ko lang blog post ko.

Pag pasok ko ng room, ngeeehh, lahat ng throw pillows ko nasa sahig!

Bakit???

Sabi ni Michel:
I f I want to sleep, I want right on the bed, nothing on top, Please?

(Gusto niyo mag asawa ng French?)
 
posted by Francesca at 8:05 PM, | 3 comments

Nawawala si Butler?

Dumating ako today 9am , wala si Butler!

10 am na wala pa rin?
Wala sa garden, sa garage, sa Office, inikot ko na buong bahay!
Inisip ko baka inutusan sa Grocery kasi kahapon close ang mga grocery.
Eh ang grocery dyan lang, di abutin ng thirty minutes , tapos na yon!
Labas si Sir, tinanong ko.

Why Butler isnt here , Sir?(in French)

Sagot niya, NOooo???? He arrived, he brought the newspaper!
Unless it was you who dropped by to get my newspaper.

I said no Sir, I arrived 9 am, I didnt see Butler!

Wierd, sabi ni Sir!
Sige, tawagan ko Cellphone niya.
If not, please clean the kitchen!
Aray!

Call si Sir sa cellphone niya, off!
Leave ng message si Sir, sabi:
in French:

You didnt tell me where are you going, whats going on, please call me back!
Labas si Sir sa room niya, sabi: answering machine only , so please clean the kitchen, he must have problem with family.

Ginawa ko, tinapos ko trabaho ko, then i see later if may time ako sa kusina.
After all huh, kanya kanya kami ng work noh!

11am dumating si Butler,
Saan ka galing?tanong ko.
Sabi niya:
Nag sabi ako sa kanya noh, na may Medical ako today at 9am!
Late lang ang doctor at bawal ang cellphone sa loob.

Labas si Sir, explain si Butler, nagkaintindihan ...( sa wakas?)
Sino ang malilimutin?hehehe

 
posted by Francesca at 7:41 PM, | 0 comments

Marrying a Frenchman?

I read somewhere (dont know from my emails or from the net) a filipina asking me the money arrangement with a french husband.

"Im about to marry a Frenchman, and rumors said that French husband do not give money to their wife?"

I answered :

It is not rumors, it is true. LOL

To get what you want, just know how to "help your self" with their money, thats all! hahaha

"And master it. "
(Sabing pabulong ni Michel.)
Sabay maktol!

Get the scene?LOL
 
posted by Francesca at 7:34 PM, | 0 comments

Game boy

Isang Pinay, kwento ng marakulyo niya sa Boss niya na Seventy years old.
Every day daw tagal sa Cr kasi raw pala nag lalaro ng Game Boy!
Ngiiih!
Pano mo naman alam?
Kasi na ririnig ko ang prrrk! prrrk! prrrk!
Tunog ng blocks pag nag tagpo.
Besides, talagang merong Game Boy sa CR niya!
Ano ginagawa mo?
Wala, hintay na lang ano pa?


Sabi ko, Internet na ngayon, bakit Game Boy!
Oy, huwag isnabin ang Game Boy ni Sir ko, sabi ni Pinay
In Gold yon!

Mama mia!LOL

 
posted by Francesca at 7:02 PM, | 0 comments

Breakfast Set

Thursday, off si Butler, (kasi nga nagoyo ako,) pinalit ni Sir na ako na lang papasok at si Butler off, besides wala siya gaanong gagawin sa garden, sobra lamig sa labas, so whats the use na papasukin siya.
After all, he is a messmaker anyway, di ba?LOL
He should be staying at home, tahimik pa mundo ko!
di ba?

I went to work, while all Monaco offices are close (as it is holiday), I took the train, maluwag, wow, makakapili ako ng gusto kong upuan, malapit sa window, nag iisa, nakaka taas paa pa ako!
Dumating ako sa Monaco, daan sa shop ng dyaryo, to get the newspaper of Sir,tatlo, puro Italiano!
Ngiihh, wala ako maintindihan kundi "paga"!
Meaning pay (bayad)!
Hi hi hi!
Ayan may alam na rin kayo.

Then pagdating ko sa work, sa kitchen na si Sir!
Nag breakfast na siya at nililinis ang kusina.
Nag "bonjour " ako (good day in French) and he told me,
Dont touch the kitchen, I cleaned it already.

Oh goodie!

He is nice, he knows it is not my duty ( to clean the kitchen) he does the cleaning himself, if Butler is absent.
Because in that house, even dalawa kami, pero kanya kanya kami ng responsibilities.

Anyway, tuloy si Sir sa room niya to read his Italian Newspapers (Il Giorno, La Stampa, 24 Ore) Truly Italian! LOL
Ako naman do my usual cleaning up.
Mga balahibo ng aso, usually, nasa carpet, sa sofa, sa sahig!
At bago na vacuum, kaya okey talaga si Butler, di ko na siya aawayin .

Then 11am na, di pa rin nag aalmusal si Sir, kasi nasa lamesa pa sa kitchen yong mga plates, so niligpit ko na, pati box of cereals, mga gamot, glass, kutsarita at knife at tinidor, pati table napkin at table mat.
Binalik ko lahat sa closet.

Matutuwa si Sir, malinis!

Eh hindi pala!



11: 15, labas si Sir , deretso sa kusina, naka suit, na gagala ng aso, shocked si Sir, tinawag ako!

Sabi sa akin:

Why did you clean up the table?
Sir, it is almost lunch time, so breakfast is finished isnt it?
NO! (sigaw niya na parang bata)
The breakfast set I prepared is for tomorrow!

Ngeeeehhh!

So i told him :i put it back right away Sir!
Pigil ko tawa ko!

Pano ba naman, dadaan ang lunch at dinner,
nag set na siya ng breakfast niya?!
For tomorrow!

Tanong ko kay Butler about it today, Friday.
Sagot ba naman sa akin:
Dont you know?( Serious siya ha?)

Ngiih!

Bago pala umalis si Butler at 6pm, nag set na siya ng breakfast table for the next morning.
At dahil wala siya Thursday, Sir made those setting for him for the next day!
Ano kaya yon?
Gaano ba kalayo ang milya ng closet sa table at bakit gawin na agad for tomorrows use?

Tsk tsk tsk

Tanong ko kay hubby, if gusto niya ganon din.
Dont bother! sagot sa akin!
Why, plan not to feed me lunch and dinner, do you?



 
posted by Francesca at 6:39 PM, | 0 comments

im worn out!

Thursday, January 27, 2005
I just arrive home.
Worn out!
Because i didnt take my lunch!
Left in the kitchen.
So I am hungry,
And trembling with fatigue!


A nap of one hour is good.
I cant resist taking it!
Besides it is cold and the bed is comfy and warm.
Sarap!

Will post later.
Another cracking up jokes exprienced today.
I got lists of them ,so I will not forget.

Laters, girls.
(Hikab!)
 
posted by Francesca at 6:30 PM, | 3 comments

Survey

What of my funny post did really crack you up?

Stainless steel toilet?
Butler and linens?
Pantyshields?
Oh dear, Im already laughing!

Please post by clicking comments.

Thanks.
Got to go, bus is in five minutes!
 
posted by Francesca at 7:18 AM, | 3 comments

Nagoyo ako ni Butler ah!

Wednesday, January 26, 2005
Tomorrow, holiday sa Monaco kaya hindi kami papasok.
Pero willing ako pumasok, at nag aarange na si Butler ng mga gagawin ko raw, kasi he is sure hindi siya papasok!
Nag paalam na ako kay Sir at 1pm , na palit holiday na lang ako sa Fev 10( kasi may civic action ako with the Immigration on that day )so pasok ako bukas, absent ako sa Fev 10.

Sabi niya, tawagin raw si Butler, at i arrange niya.
Sabi kay Butler:

Holiday bukas, pero pwede pasok ka? tanong niya kay Butler
As you wish naman sagot ni Butler, pero matabang,
(aba naka arrange na ang lakad nila ni Thailandaise!)
Sabi ni Sir, ako raw will have a holiday.
I said, Sir, no, I can work tomorrow.
He said , not necesarily, as Madame is not here,
You can have the holiday off tom and Fev 10 you can go to your appointment,
Bawas sweldo na lang , one day.

I thank him, goodie, saya saya ko!
Nag sasayaw pa ako habang palit damit from uniform!
Ang lungkot si Butler!
Sabi ko na lang: He likes you, not me!
Ngiti lang siya!

So nangangarap na ako ng haba tulog bukas!
Haba rin babad sa PC!
Maraming Blog story na naman ma post ko...

3pm nag ring cellphone ko.
Butler calls me, telling if Sir can speak to me.
So tanggap ko call ni Sir.

Sabi raw eh, pumasok ako bukas,
Para bawi na lang sa Fev 10.
Kung pwede!
Gusto ko sabihing: DI PWEDE!
Kaya lang Boss yon eh,
Saka by Feb, isingit ko na yong vacation ko sa August to Phils.
Kaya, Oo na lang ako,
No Problem, Sir, I work tom.

Pero ano ka, upset ako!
Si Butler, pasok non 230 pm
Kaya alam ko nag sip sip na naman;
Akalain mong siya ang off bukas!
Ang linaw linaw ng 1Pm na off ko bukas,
Holiday with pay yon!
Tapos 3pm hindi na raw ako off???!!!

Makikita niya Friday, gyerahin ko siya!
Or yong pantalon niya lagay ko sa 90°
Sabay sabihin ko: Opps, soweee!

Ano sa palagay nyo?hi hi hi



 
posted by Francesca at 7:56 PM, | 2 comments

Train fines

How it works in the train?

I took a ticket for employees for the month of November to go to work Nice-Monaco.
I was checked! :shock:
in french this is the discussion:

Madame, do you have the certificate of work signed by employer?
No? why?
You bought a discounted ticket for the whole month.
And so?
It has to go with the certificate of work signed by employer.
Where do I get that?
At the counter of any station, then bring it with you all the time the cert with signature of employer and stamped by our cashier.
Ah okey, well, what to do now, I dont have that, i just start work yesterday.
You will be fined of 7 euros, I note it in your ticket.
Ngiiih, you let me down Sir, I just started work.
Its like that, sorry.
All the looks I got from passengers as if I am a criminal!

Kakahiya?!

Today I discuss with my employer. She refunded me the 7 euros, and signed the certificate form.Good enough!

Maktol ko, I dont have that ek ek, for five years of taking the train to work.
A filipina said: hindi ka lang natyempuhan, but thats old rule na.
Yong iba mas malaki ang fine, up to 20 euros (1400 pesos)

Ganon??! :x
 
posted by Francesca at 6:52 AM, | 0 comments

Party in Monaco Beach

Nag party sa Monaco Beach ang mga 30 Filipinos.Sila ay isang religious group.

So bukas ng mga baon, sa plastic container, yong iba may cooler pa with beer and softdrinks.
Ang saya saya nila.
Nag labas pa ng barbeque!
Sige ihaw ihaw, tong its, kasi nga halo halo na, may mga maraming kababayan nakabalita.

Hinuli sila ng Police Monaco!

Ay!
Bakit?

Kasi yong mga residents ng Monaco nearby (mga Madame na nasa beach) na alarma!
Pinasok raw ng mga "gypsies" ang Monaco!
Tumawag daw ng Police

Aba, sobra naman yon, sabi ko sa nag kwento!

Basta, sabi ng mga Police, umalis daw sila, pack up and go.

Nabanggit k o kay Michel.

Sabi niya:
Yes, it is a Public Beach, but for the residents and rich people only.
If any noise annoys them, they call the police and police responds in two minutes,


Ay, grabeh!( eyes rolling!)

 
posted by Francesca at 6:48 AM, | 0 comments

Bad Monday, may Snow sa Nice!

Monday, January 24, 2005
Huuuh!
Grabe, sobra lamig! tatlo na ang pull over ko sa loob, plus long wool coat, ginaw pa rin.
0° ang lamig sa Nice today.
Sabay pa na umulan, ayun, Snow ang labas!
Two inches thick ang yelo sa top ng kotse ni Miche!
Hindi ako nasundo, kasi traffic at some streets are close.
First time in my six years here that snow visited Nice.
The angels in heaven must be playing snowballs and are having fun.
Pinili na batuhin ng Snow ang Cote D'Azur!
Imagine pa ha, tatlong town lang sa north ng France ang may Snow, then sa ibaba, Nice at Monaco lang?
Pinaka gitna ng France , wala!
Di ba, naglalaro nga ang mga anghel!

(Oy , wag maniwala!) LOL

Anyway, today ginaw ako na pumasok sa work, ito na si Butler, inasar ako!
Plantsahin ko raw yong pantalon niya !
Ano? (Sigaw ko!)
Natakot!
Sige na lang daw, siya na lang paplantsa!
Mabuti!

Then daan ako sa office ko, start ng labahin sa machine.
Dalawa ang machine, kaya color and whites ang nilabhan ko, nasa machine na.
After ten minutes, ito na si Butler!
Tawag ako, (nasa dining room ako, nag pupunas ng mga upuan)

Tingnan ko raw ang office room ko, dali!

MAMA MIA!

Baha!
Yong machine nag block ang filter, ang tubig di dumaloy sa tube,
dumaan sa pipe niya under !

Dali dali ko hubad shoes ko, then off ang machine!
Sabay drain ng machine from the underneath pipe.
Pinatay ko yong isa pang machine!
Mahirap na, baka makuryente ako nasa sahig ako, baha nga!
Kasi nakapaa na lang ako, yong working shoes ko hinubad ko!
Para akong nasa baha ng Maynila!

Sabay pa, tawag ako ni Sir!

Kaya sagot ko: j'arrive tout suite, Monsiuer! (andyan na sir!)

Buti, para sabihin lang na aalis na siya, to his bank, Monday ngayon.

Ah!
So bye bye na, pero ano ka, buti di napansin, ako ay nakapaa!

Then balik ako sa office ko.
Butler didnt even help!

Silip daw niya baka bumalik si Sir!

Style!

Sa wakas na tapos din ang baha.
Ilang basahan ko ang naubos!
Dumami labahin ko.
Yon pala yong filter, dami papel at sinulid, kaya nag block.
Luma na kasi ang machine eh!
1995 pa!

On uli ang labahin, balik ako sa living room.
Yon naman ang vaccum cleaner, ingay ingay!
Iba tunog!
Kala mo eroplano!
Sabi ko kay Butler, palitan ito.
Wala raw reserba.
"Aba, pag ganyan, wala ako work, uwi na ako!
Pano ka makalinis ng buhok ng aso nyan sa sofa?"

Punta siya sa kapitbahay, humiram ng vaccum cleaner.

Sabi ko sa kanya pag balik:
Sabihin mo sa tatay mo ha?
Nakakabili ng Bentley 187,000 euros, vaccum na bago 100 euros hindi!
Tagal ko na reklamo sa iyo yang vaccum, sira na!

Sasabihin na raw niya.
Sinabi ko na rin na yong sapin ng plantsahan ko gutay gutay na.
Palitan na rin.

Lista naman siya.
Aba, trabaho niya ang maintenance and grocery noh!
Ay Buhay!
Buti malapit na naman sweldo!
Ngingiti na naman bank manager ko nito!

Ay sa 26 pala, 42 na ako!

Grabe, matatapos na naman ang January!
Bilis ng pagtanda ko nito pag ganito!

 
posted by Francesca at 8:52 PM, | 7 comments

Dining the french way

Sunday, January 23, 2005
There's always bread, a bottle of wine and cheese;
Typical na yan sa kanila na yan ang ihanda.
Parang tayo, kanin!
First, meron talaga aperitifs, yon yong first entree.
Salad, or pizza, or blinis (bread na merong salmon or any palaman they put)
Change plate for main course.
Then while eating, kung ulam with sauce man or pasta,
bibiyak ka ng tinapay to clean your plate with the piece of bread,( and eat the bread.)
Chew ka lang simply, demure baga!
It is the always man in the table to serve the wine to ladies.
If there is a waiter, it is the waiter to do it.
Una serve si lalaki ng wine, the lalaki will taste it, says okey, then the waiter will serve it to all.
Ladies should not pick the bottle to serve wine to themselves AND to the men!
Then drink your wine, sim sim muna, wag lagok na parang coca cola ang iniinom!LOL

Kung tapos na lahat kainin ang portion served, saka mo inumin ang wine!
Pwede rin na inumin mo rin tubig after.
Huwag mag burp!
Although sabi ni Michel burping is a sign na masarap ang handa! LOL
No.
Be a class, avoid burping, if di mapigil, preno konti.But very discreet, cover your mouth with a napkin.

Then the host will serve the desserts.
Change plate na naman.
Alangan naman kakain ka ng desert sa malaking plato na nalilimahid pa sa sauce.

Inaalis yan, then lagay desert dish, small spoon
Yan na ang desserts!

Minsan brownies lang pala, nag kutsara pa!

Style!
 
posted by Francesca at 4:41 PM, | 1 comments

Beso beso in France

Dito sa France, ugali na ng mga tao na if mag meet basta magkakilala, nag bebeso beso;
Halik sa left cheek, the sa right, even in public (train, kalsada, grocery, coffee shop, anywhere)
Even lalaki sa lalaki!

Ito ang kwento:

Sa isang beach resort, 29 friends got a gathering.
Summer, kaya party nila sa beach.
Dumating una ang lima.
So beso beso bawat isa!
Halik left then right, then doon naman sa isa, hanggang umabot sa lima.

Dumating ang dalawa, beso beso sa lima.So Pito na!
Then tatlo, beso beso uli.
Hanggang nakompleto sila.
Twenty nine!

Mas mahaba pa ang beso beso nila all twenty nine of them na paisa isa ang dating,
Kesa maligo sa dagat!


 
posted by Francesca at 4:34 PM, | 2 comments

Pinay Relationships

I cannot understand how some of my Pinay friends keep the relationship with their Puti BF.
Puti tawag ko kasi merong british, french, italian , basta european, sama na don Kano.

My first marriage was not too bad!
The sad thing about it is:
Our courtship had been long on passion,
But short on planning!
Kaya disaster, nauwi sa annulment!

This time, with Michel, I make it sure,
we got a looong planning than passion only.

Four years, bago kami kinasal.
Although because of my legal impediment,
but then, I make it sure na I am wise in all the things I do before going to another relationship.
Especially marriage na ang paguusapan!

Mind you, he is not that perfect, but nearly! LOL
I am secured!Walang kaagaw!

Anyway, kaya ko nabangggit ito, kasi mga Pinay friends ko(dito sa Monaco)
ang BF, nila papalit palit?

Pinay 1 :
4 years with frenchman, no marriage, now bago ang bf, Pinoy na lang daw!
May asawa naman sa Pinas ang Pinoy.

Pinay 2 :
French nga BF niya,
They are married ,
But not to each other! LOL
Kahapon ko lang nalaman!
Minsan kasalubong pa ni Pinay si French bf kasama asawa di siya makakibo!
Sakit dibdib niya, but no can do!
Alam naman daw niya may asawa!

Pinay 3 :
four years na sila, very good, sila pa rin.
Pero di pwede pakasal, may asawa si Pinay sa Pinas!
Si Bf naman di pa tapos ang divorce kasi di pumayag si frenchwife na hindi mapunta ang house sa kanya!
Pending ang divorce finality.

Pinay4:
British ang bf, single, kaya lang walang trabaho!
Si Pinay bayad lahat!
Si Pinay may asawa sa Pinas!
Fifty na si Pinay!
Bah buti meron pa natisod?Di ba?
Pang kumot siguro in winter time! LOL
Pag summer, out he goes!

Minsan I think of how life can be complicated to some of my Pinay friends.

And all of them said na maligaya sila sa naging desisyon nila. Sana.
I wish them happiness, and of course peace of mind.

Mostly, sinasabi nila ok lang daw sa asawa nila na nasa Pinas.
Basta may sustento sila ng mga anak niya.
Pero masarap silang kasama, iba na yong kababayan, kakatuwa.
Lalo na luto nila ay pinoy foods talaga.
Meron pa sila Skyflakes!
Sinigang powder at gabi.
Or saging saba!
Di ko alam saan nila binibili?

On the whole, not all are having a good life here, emotionally speaking.
The homesickness strikes them too.
Lalo na some of them hindi makakauwi.
Walang papel.
Ten, fifteen years na rito!

Sorry, madrama ito, girls!
Feel ko lang mag reflect, hihihi!
 
posted by Francesca at 3:44 PM, | 0 comments

Prenup

Saturday, January 22, 2005
Naisip ko, sabi ni michel mag prenup kami before our marriage .
But we didnt.
I asked him why not?
He said because the lawyer said to him , when I arrive in France we can do a contract between our selves, even after the marriage.

I reminded him of it today, while we are having tea in front of the tv.

Alam niyo sagot niya?

Huwag na!

Kasi, all I want naman daw in the contract will be on my favor anyway!
Babayad pa raw siya ng abogado, talo naman daw siya sa usapan?!

Hmmn, naging wise ang asawa ko!

Saan kaya nakakuha ng idea ito?
 
posted by Francesca at 11:20 PM, | 0 comments

Kwentong Aso

I was working in my old employer year 2003.

I walk the dog, and after his poh poh, we stopped at the dry clean (pressing in french) to get the evening dress of Madame.

The dog is next to me, near my feet while I am discussing with the girl about the dress that I will claim.

We heard a grrrwl! Aw ! Aw! Aw!

Nang tiningnan namin, yong aleng matanda dumudugo ang kamay!
Kinagat ng aso ko!

So takbo kami for tissue paper, and I tell her we go to pharmacy to buy the bandage and she come with me to my employers' house para alam ng Madame.

Ayaw niya, okey na raw.

Ang nangyari pala, na kyukyutan sa aso (Terrier ang lahi) kaya hinipo niya sa ulo, eh natakot ang aso, kaya in defense, kinagat siya.

Huuuu! Sakit non! Aie aie aie!

Akala ko nakalimutan na kaya di ko sinabi kay Madame!
Ito na after two days, may summon si Madame mula sa Police ng Monaco!
Yong aso niya nakademanda at siya ang aapear!
Ngihhh!

Gulat si Madame, then sinisi ako bakit di ko sinabi!
Malay ko, sabi ng matandang ale, okey na!
Yon pala yong kagat, namaga at ang anak nong ale, nag inquire sa dry clean at sinumbong na aso nga nina Madame (kilala si Madame doon, suki kasi, kaya may record sila ng name ni Madame.

Ayun, required si Madame na pupunta ng Police,
Kasama ako as witness.
Wala pa ako papel non ha!

Sabi ko kay Madame , ayoko!
Baka i deport ako!
Sabi niya, hindi naman ikaw ang naakusa eh, besides
sabihin ko na nasa procees ang papel mo for regularisation.
Pumayag na ako, para matapos na!

Dala ni Madame naka frame na picture ni Aso!
Panay pakiusap ni Madame, na hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kaya sorry na hindi siya nag respond agad sa summons.
Doon pa naman sa Police station, recorded agad na ako ang witness!
Buti married surname ko pa yon noon dati kung asawa ang apelyido, hihihi
Sabi ng Police, if maulit raw ang pangangagat, kunin nila ang aso at injection na to die!
Maiyak iyak si Madame, 18 years old na yong aso, sabi, huwag na patayin kawawa naman!

Mula noon, daw sabi ng Pinay na pinalit sa akin, di na pinagagala ang aso sa labas.
Sa loob na lang. Pati oo at ihi. Kaya asar na asar yong pumalit sa akin na Pinay!

Kwento 2

Yong Madame, punta sa parlor, dala si Aso!
Eh kausap niya yong katsika beso beso niya na kaibigan.
Nawala sa isip niya, napakawalan niya pala ang aso mula sa tali!
After usap usap at bye bye sa kaibigan niya, naalala niya na wala pala ang aso sa tabi niya!
So balik siya sa kotse, ginalugad lahat ng kalsada, baka sakali makita ang aso!
Wala!
Tawag siya sa Cell ng mga kaibigan niya all over Monaco baka napansin daw sa kalsada, call her back, para madampot!
Inabot ng two hours, walang balita sa aso niyang nawawala!

Last option niya, punta sa Police Station!

Sabi ng Police, aso mo na naman?

Mngiyak ngiyak si Madame, kasi tiyak niya, injection na aso niya!
Pag nakakagat!

So labas siya ng Police Station, magulo isip... nag ring ang cellphone niya!
Yong aso, nasa parlor, nag hihintay sa kanya, sabi ng hairdresser niya!

He he he he!

 
posted by Francesca at 8:46 PM, | 2 comments

Babysitting, anyone?

Madame told me last Thursday if I want to babysit her daughter, yong 10 years old ba.
Kasi Sir and her will go out dinner with friends, at may konting party after.

Ayoko nga!

Sabi ko politely, Madame I got to work tomorrow, so I cant make it.
Kahit pa malaki pa naman mag bayad, 80 euros 8pm until 12midnight lang!
With dinner pa, kasi sasabayan kain yong bata, nood tv, then kwento kwento, then toothbrush na, then go to bed, until darating sila!

Ayoko pa rin!

Eh ,kaya ayoko...

papatayin ako ni Michel!
Imagine, hindi siya matutulog, kasi wala pa ako, then drive siya ng car to Monaco to pick me up, then, then we go to sleep at 1am na until 6am, then wake up to work!
Di ba?

So wala magawa si Madame, tawag siya sa Tutor ng anak niya, a Frenchwoman.
Kaya ko nalaman na yong tutor ang nag babysit, kasi nabasa ko sulat ng Tutor ke Madame and Sir.
Na tinapon nila sa basurahan! LOL

It says: (in French)

Mme and Sir,

"Hope you enjoy the party last night, I and your daughter have a good time watching the film
Monte Christo and she enjoys it very much! Thank you for trusting me your daughter."

Valerie

Hehehehe!

In my past experiences in baby sitting, to leave a note like that is another type of crawling to the employer.No need for that! really!

And Monte Cristo film!
eh hindi naman pang ten years old yon!
Buti pa Shrek na lang pinanood niya sa bata.hehehe

Besides it's more of a nuissance to read a note like that, when they arrived late and lalango lango pa sa alak! LOL

No wonder the letter was thrown in the bin!
Inside the toilet! LOL

 
posted by Francesca at 8:28 PM, | 0 comments

Michels' briefs

Tuwing Sabado, before ako off to work, lagay na ako ng labahin sa washing machine, para pag uwi ni Michel sampay na lang niya sa terrase .

So kamamadali, sige lagay, halungkat same colors, mga tshirts ko muna, red and pink mostly kasi mas marami.
Besides, damit ko muna noh, saka na yong sa kanya!
Ladies first!

Pag uwi ko, today, sabi sa akin:
Look, all my briefs became pink!
Niladlad talaga!

Napasama pala sa tshirts ko pag laba!LOL
Sabi niya:

I cant wear that anymore!

Why not, they are cute?PINK! (paasar ko, hehehe )

"No ,thank you. Put that in the bin"

Oo nga naman.

Pero sayang eh, bago pa naman.!
Lagay ko nga sa drawer niya!
(Malabo naman mata non eh, isusuot niya rin yan!)LOL

Pink! Ngiihh

Tingin ako sa drawer kung meron pa siya maisuot na iba in case!
Kasi kung wala, pahiram ko sa kanya mga tback panties ko!
Ano kaya hitsura ano?hihihihi!

Buti meron pa siya brief, nagiisa.
Yong mga nakabalot sa plastic, apat pa.
Galing Pinas, Puritan brand!

(sorry girls, corny ito!)

 
posted by Francesca at 8:11 PM, | 0 comments

Michel

Friday, January 21, 2005
After work, I saw the train is in normal service, I took it to go home to Nice.

When I arrived in Nice, Michel called me:

Im here in Monaco, waiting outside the building,where you work,
what time you go out from work?

Sagot ko:
Im already out!
Ten minutes I am home!


Pag dating niya ng bahay, Galit!
Haba nguso, LOL
Takbuhin mo ba naman 20kms to pick me up, then...

WALA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan nag lagay ba naman ng sandwich sa bag ko,
Camembert cheese pala ang palaman!
Eh ang baho non, amoy bagoong!
Yong katabi ko sa tren, panay tingin sa paa niya, then sa akin!
Akala naka apak siya ng oo!Or ako!

Text ako kay Michel!
"Why you didnt tell me about the sandwich?
Sagot niya: Oh it was for me, I m looking for it!

Ngek!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan nag rereklamo, kasi pag nag peel ako ng potatoes, ang peeler napasama sa basurahan!
Galit na galit!
Sabi ko: Bilhan kita ng lima bukas!(galit na rin ako sa dada niya, ingay ingay, peeler lang!)
Sabi niya: Hindi yon eh! Peeler ko, antique yon, wala na ng ganon ngayon yon!

Inis ko na hinanap, baka nasa drawer lang!(Dabog! Sara! Bukas! Hanap!)
Sabi ko: (At last nahanap din!)
eh ano ito? Is this the one? (holding it to him.)

Him: Where did you find it!I looked in there, i didnt find any!

Me: (eyes rolling)Before it was the car, now the peeler!

Sinakal ako!

Haak, haak (pabiro ko!)LOL!





 
posted by Francesca at 11:40 PM, | 2 comments

Michel and His Bank

Last monday pa, panay tawag ng bank manager ni Michel sa cellphone niya.
Nag le leave ng message:
"Kung maari tumawag siya for appointment about his accounts in Bank of Paris Paribas."
Ayaw niya tumawag to take an appointment.
Kasi alam niya:
On the Red siya LOL!
Means negative ang account, dami niya withdrawals!

Dami niya kasi expenses last December!
Taxes, maintenance ng bahay, ilaw bill for the whole year,
etc etc including na yong gala namin sa Barcelona and Switzerland!

Kaya dine deadma niya tawag ng bank manager niya.( Normal, isnt it? Ako man sa lagay niya.)

Eh kahapon, kinulit talaga siya!
Kaya tumawag na siya na puntahan niya today, Friday!
Sa isip niya, bahala na.
Kung red, di red, they cant kill me anyway.

So punta siya sa bank manager, pasok sa loob, ready na sarili niya sa sermon! LOL

Aba, di naman pala yong red niya ang purpose ng tawag!
May term daw siya na due date na to take out from the bank, if he has any plans what to do with the money!

Oh goodie!

Sabi ni Michel, ilagay na lang daw sa another same term, kasi wala pa siya balak sa pera!

Dinagukan ko ng nag kukwento siya pagdating ko ng bahay!(Asar ako!)

Sabi ko:Loko ka, sana di ka muna nag decide ng wala ako!

Another ten years term ba naman ang pinirmahan niya!

Sagot sa akin:

I got a wife now, I got to be careful, you know, money is safer in the bank, than in your wallet!LOL
Sinabunutan ko nga!

 
posted by Francesca at 6:15 PM, | 2 comments

Butlers' Pantalon

Thursday, January 20, 2005
Kakapungas ko lang sa late, ito na si Butler!
Sabi: I bring my pantalon ha, for you to wash in the machine!
Sagot ko: What?

"I brought my trouser for you to wash in the machine!"

"Why?"

"Its because it is my uniform, it is to be wash here."

"Ah!(tumaas kilay ko!) So I should bring mine too then, also my husbands'!"(paasar kong sagot!)

Why are you angry, it is like that here!"

"Oh I dont know, I ask Madame first when she comes Friday!
I wash that when she said okey!"

You ask! (sabay talikod niya!)

Sa isip ko loko ka, bat pantalon mo labhan ko!
Di ka Boss dito noh!
Manigas yan dyan sa lalagyan, di ko labhan yan!
Tuloy ako sa pag lilinis ng mga kuarto!


Naisip ko, sige na nga, labhan ko na ang pantalon ng damuhong yon!.
For the sake of peace! (hehehe)
Sinabay ko sa mga basahan!LOL
Lagay sa machine,( 40° program lang,) hindi 90°...kawawa naman basahan ko pag nag shrink!
(hindi yong pantalon niya ang worry ko.)
Kaya 40° lang, mild warm water.
Sabay locked ko ang door with the key.
Baka dumaan, makita niya nasa machine yong pantalon niya!
Sabay ng pang mop ko at mga pang punas sa banyo!LOL

Wise ito noh!Ayaw patalo!
Tipid pa sa sabon , tubig at kuryente, di ba?.
Then nilagay ko sa dryer.
Sabay rin ng mga basahan!


O di ayos!Bigay ko sa kanya after!
Ayan na, Sir!sabi ko.
Sarap ng ngiti, akala nadale ako!Hek! hek! hek!

Oy huwag niyo ako gayahin!
I am nasty!

Kung tutuusin ha, bitbitin niya from home kaisa isang pantalon para labhan ko?
Eh kung sinabay na lang niya sa mga ibang labahin niya sa bahay, wala ba siya washing machine?
Tsk tsk tsk!
Nang aasar siya, buti nga sa kanya!

 
posted by Francesca at 10:04 PM, | 4 comments

Strike pa rin ang train, grrr!

Today sabi ni Michel, ihatid na niya ako sa Monaco.
Sabi ko , wag na at one day lang ang strike.
"Bahala ka, sabi ni Michel.
I dont trust this lot that only one day strike,
They go on for days to get what they want."

Insist ko, no, okey na yon yesterday lang sila on strike.
Eh di pasok si hubby sa work niya, ako went to the train station.

Ngiiihhh, oo nga! wala pa rin tren!
Pano na ito, 8am na!
No choice, dali dali ako deretso sa Bus Station to Monaco.
Olaahhh!Dami pala namin doon, pila at lahat to Monaco.
Thousands of us!
Kaya siksikan, at haba,haba,haba ng pila.
Yong driver nag sasabi na ,na next bus na lang yong iba.
Ayaw!
Sige, sakay, parang sardinas kami, daig ang bus ng Maynila! lol

At last nakarating din ng Monaco. 35 mins late ako.
Kung tren yan, 20 mins lang Monaco na.
Pag Bus, 1hour and half! Dami kasi stop and bayad muna sa driver bago upo!
Kaya tagal tagal!

Sabi ni Butler, ano nangyari?
Wala train! sagot ko!
Bakit di mo alam na strike pa rin?
Hindi! Wala ako sa balita nasa Pc ako lagi.pagalit na sagot!
Gutay gutay hitsura ko ka sisiksik sa Bus!
Pigtal pa ang strap ng Bag ko, kasi inipit nong isa nang pababa na kami!

Buti di alam ni Sir, nasa kuarto pa siya, nag babasa ng newspaper niya.
Nakalusot ako sa explica ng late ko.

Sabi ni Michel, kung nakinig ka lang di sana hindi ka late.

Oo na.

Bukas hatid na raw niya ako.
6am uli!
hu !hu !hu!
 
posted by Francesca at 8:48 PM, | 0 comments

Mga samutsari

Wednesday, January 19, 2005
Today strike ang tren, kaya ang beauty ko maaga pa nag pahatid na kay Michel sa Monaco.
6am ! LOL
3hours wait ko bago ako papasok.
Pasok kaso ni Michel 7am.

Punta ako sa isang pinay, ginising ko, sabi ko: patambay!
Oo raw sagot sa cell ko ,mag kape raw kami.
Nice.Daan ako sa bread shop, bili ako 2 croissants!

Kesa mag babad sa lamig sa labas, halos sarado pa lahat ng kapehan.
At kung may open man, di bale na, baka lapitan pa ako ng ibang nag kakape rin.
Dangerous ang maganda ba! (kuno)

So punta ako sa bahay niya, suplada siya, bumili ng bagong coat, NAF NAF ang brand, for 60 euros na lang. Dating 129 euros.

Then pakita niya new Lacoste bag niya.
Not bad!
Pero di ko type.
Type ko mga bag pang Madame.
Hermes style ba.
Or Chanel
Ang tsika,
Ngiih, may bf pala siyang Puti!
Kaya pala.

Not bad. Maganda naman siya eh.
Kaya lang, married siya sa Phils.
Hi hi hi!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kakainis, gusto ko ng grilled fish tonight sira ang Oven.
Aayusin daw ni Michel.
Sinabi na niya yon noon pa!
Four years ago pa!
OPM talaga yan! (Oh Promise me!)
May ilaw, ayaw uminit!
Tatawag raw siya ng electrician para tingnan ang electrical sa kusina.

Kaya ginawa ko steamed fish na lang.
Eh di yon gusto kong lasa.
Kaya lagay ko ang Teflon pan, nilagay ang luto na na isda.
Voila, may grilled fish na rin, may lasa ! Konti.

Then tapos kain, ito na ang pahirap, linis kusina.
Eh ang lansa ng isda!Usok buong kusina ba naman!

Buti alam ko gawin.

Lagay ako ng suka puti sa sponge, pinunas ko lahat ng area.
Eh yong lutuan namin electric plates in glass.
Paso ako, init pa pala.
Sa wakas nawala rin ang amoy.
Sukang puti puro lang katapat, mga tita.
Yan ang tip ko sa inyo, kung kayo nag luluto ng daeng,
bagoong, pusit, sardinas .

Sukang Puti.

Tapos pala ng suka puro, punasan after ng mabangong sabon pang linis bahay .
Meron kami sa cabinet, Ocean Fresh ng (Mr Clean ) ang amoy.
Yon pinunas ko, pati walls.
O di nawala ang lansa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Si Butler asar bakit di nag sasabi si Sir kung babalik o hindi, kasi gusto niya alamin kung kakain or hindi sa bahay.
Sagot ko: Nag paalam sa akin ng Bye bye.
~ Di ko alam sa iyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dami ko plantsahin.
Kakapagod!
Kung di lang nangangarap ng isa pang 500 euros, di ko gagawin ito!
Maktol ko talaga.
Nadale pa ako ng lamig, sakit ulo ko at lalamunan.
Umuwi ako,5 pm sundo ni Hubby.
Bukas siguro may tren na.
Tapos na siguro ang strike.
Strike sila one day lang daw to send message to Govt of their salary increase.
The govt couldnt care less.
Busy kabibigay tulong sa Tsunami Victims.(eyes rolling)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Antok ako pero sige pa babad dito sa pc ko.
Aay, Buhay.
Meanwhile Michel is still wathcing that film Kojak!
Ngeeehh!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kwento ko pala kay Pinay ang story ni Gretchen Baretto.
Comment niya:
Ngiih, yong amo ko, nag gagala ng aso, wala bodyguard!
Nag dadampot pa ng oo ng aso niya sa kalsada.
Mas mayaman sa kanya.

Si Roger Moore, namamalengke dyan sa market,
Kita ko pili siya ng malalaking kamatis,
di pinapansin.
At wala bodyguard.

Si Ringo Star, nag lalakad sa Metropole mall,
no one bothers.

Yong mayayaman dito, nag bu bus punta sila sa grocery.
Bit bit din sila mineral water nila.
Di inaasa sa katulong!
Sa Pinas, kala kung sino sya(Gretchen)!
Artista lang siya.
Sabi ko: eh asawa siya ng bigtime sa Pinas.
Eh dapat lalo siya umastang tao noh!

Hmmmnn, may katwiran.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Michel made some pancake.
Kaya tigil muna ako.
Masarap yon with tea and nuttella.
Habang nanonood ng tv.
Kaya lang ,banas!
Pasaway si Michel, pinanonood: KOJAK
French language pa.

Bye muna, bukas uli ang tsika.

francesca
 
posted by Francesca at 8:06 PM, | 3 comments

My employers

Tuesday, January 18, 2005
Employers, sometimes I dont understand.

At 9am- 11am nasa room, with the dog and read the newspaper and have his shower,
and 11:25 obligatory, he had to go out of the room.
The Mme Francesca has to clean it.
Or he clean it himself, noh, I got only until 1pm to stay.

So off he went, with the dog, for a walk, but actually to make the dog pohpoh in the street.
Fantastic,how disgraceful !(wink)
My employer would carry a plastic pouch to "dakot" the Pohpoh,(hard life isnt it?) because in Monaco it is prohibited to leave dogs' waste' in the street, there are cameras everywheren and if the watcher spotted you, in the next corner, there is a police, to tell you to go back to get it.

Kakahiya, lalo na nakasuit ka, nagpapatae lang ng aso, then mahuli ka pa ng Police?

Trabaho ko rin yan noon, term ko dyan, gala nag aso( o, di ba mas class ang dating, hihihi?)

So far no one had been caught doing that, kaya my employer always bring two plastic pouch in his pocket for that purpose, for sure hihihi.

In the streets of Monaco, there are plastic bags in every corner,(rolled like in vegetable area in some groceries store ) for those purpose.
As a "truly" born Filipina, I always get those bags, rolling the holder and bring some at home! (kita nyo na, what a good example ako sa lahing Pinay?)
One police caught me, but was laughing, because he said:

I got to pohpoh also somewhere???

I said to him: shhh,my dog is there, but actually wala! LOL

Anyway at 12:30 my Boss arrive, went to the kitchen, feed the dog with some dog biscuits, and I am in my office (laundry/ironing room, LOL), I heared him talking to the dog.

Eventually I heared a howling cry ?!!!

I ran out, to see what happened. Asked Butler, whats up?

Butler said: Ignore, he is having some sad story telling to the dog.

Ngiih!

I told Butler: the dog must bring the Boss to the psychiatrist.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Employer 2

I was inside the bathroom, putting water to the Lemon tree, (that for three months now, the green lemon fruit never turned to yellow )( eyes rolling) when Madame arrived.

Francesca, please, I need to use the bathroom/toilet.
So I left the pail of water and left, went to the kitchen to take all dishes in the dishwasher to put it back to the closet.

Madame joined me later.

Sir, her husband arrived, galit!

Sir: Francesca, next time when you water the plants, dont put too much, look, I was passing by under the terrase, I am soaked wet!

Ngiih, !

hindi ako!

si Madame ang nag lagay ng tubig sa tanim!
I looked at Madame: Aba ideny pa ata!
Eh tumawa ako, kasi hitsura ni Sir, just imagine, all wet.

Madame said: It was me, not her , I put a lot?(nagtanong pa! Lol)

Sir said: Next time put little only.

Sumagot ako: Yes Sir.

Not you, her, my wife!(nakaturo kay madame)

Madame is quiet.

When Sir left, tawa kami ng tawa!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Employer3:

Oy, bati na kami ni Butler, kaya tuloy na naman ang tsika.
Di ko na tinanong, basta, lagay na lang natin, may PMS siya.
Makwento na naman eh, ito ang huling tsika ng hitad!



Employer3

Sabi ni Butler, lumabas daw si Sir ng umaga, naka bendahe ang right toe niya.
Bakit tanong ko?
Kasi raw yong aso katabi sa tulog ni Sir, minsan raw, bumababa ng kama, sa sahig natutulog.
Siguro di makatiis ng" hilik" ni Sir, singit ko.

Eto na, at 5 am raw, gusto ni Sir mag wiwi sa CR;
Eh naapakan raw ang tulog na aso!

Ngyaiks!

Kagat inabot ni Sir, nananaginip pa ata yong aso! (nang maapakan!)LOL

Di raw malaman ni Sir, kung unahin ang pag wiwi sa Cr,hawak hawak pa naman yong ano nya, kasi lalabas na nga! or yong hinlalaki niya na masakit!
Eh dumugo talaga!

Eh yong aso, nasaan?

Gusto sipain ni Sir, kaya lang nagtago na sa CR!

Nauna pa!!!!

Yon ang istorya ng "nakabendaheng paa!" Bow!

more next time folks:

Ps: Oy girls (esp from asawa forum) paki translate nyo na lang sa mga asawa nyong kano ang posts ko rito ha?Kasi nag pm sa akin, di raw nila ma get kasi tagalog! Alam nila kakatuwa, pero not all of the story raw, understood nila.

Ha?Please? Lalo na may kasamang action nyo, di ba maganda?(wink)
Wag lang yong story ng pantyshields, over sa shame yon, hihihi!



At 1pm,



 
posted by Francesca at 8:01 PM, | 1 comments

500 euros, how it looks like?

Sunday, January 16, 2005

500 euros front print !) Posted by Hello

Naisip ko, before mapunta sa palad ng banko, ma print nga dito.
Aba, not many sees one,
me too, first time.LOL
Also Michel!

Panay rin ang hipo until madeposit niya sa bank bukas, Lunes!
pag yan ibayad mo sa driver for your bus ticket,
Ma shock rin sila, pag iisipan ka pa na fake ito.
At wala sila isusukli!LOL
Or kung gusto mo mag asar, bili ka ng baguette(long bread in France) for .80 centimes
, ito ibayad mo!
Tyak, tatawag sila ng Pulis!
Fake! fake!

Bihira kasi ang meron nito sa France.
Unless one withdraw thousands of these, bank will give you.
But very rare.
Look at it, issued 2002
So very little lang ang na print nito ano?

Bukas, pakita ko kay Butler ang print copy nito!
Paasar!

hehehe!(meron ka niyan, ha? ha?)
Post ko reaction niya LOL
Baka bukas okey na mood niya,
Baka tapos na period niya, three days na bukas!

ma tsika!

 
posted by Francesca at 10:56 PM, | 8 comments

Philippine Tsika

Hey, padala ni lawyer ko, fresh news from Phils:


to social climbers out there... this should teach you a lesson.

Eto Magandang istorya, totoong nangyari sa RCBC Tower sa Makati...
Gretchen Barretto regularly visits a SPA dyan sa RCBC Tower.
Dahil nga demonyita, este donya kung umasta,
ayaw nyang may kasabay sa elevator pag papunta na syangSPA.
Take note, laging 4 ang bodyguards nya pag pupunta sya dun at talagang walang nakakasabay sa elevator.

Eto maganda,

neto lang December sometime last week, nung pumunta sya sa SPA dyan sa RCBC Tower.

Pag sakay nya sa elevator kasabay ng 4 nyang bodyguards,may sumabay na matandang babae na medyo donya rin pero simple lang!
Ang dialogue ng malditang si Gretchen,

"guard, kindly tell this old lady to step out of the elevator".

Nang marinig ng matandang babae yung sinabi, tumaas ang kilay nito at sinabing

"guard, tell this social climber to step out of my building",

ehek!!!

yung babaeng matanda pala, e panganay na anak na babae ni Ambassador Yuchengco(may-ari ng building)!!!

Kaya BANNED ang beauty ni Gretchen sa buong RCBC Tower 1 & 2.

Yan ngayon ang umiikot na chika sa socialite world.

At di pa alam ni Boy Abunda yan!LOL


Komento ko:
There is always someone higher than us, we should watch our big mouth, di ba?.

 
posted by Francesca at 6:16 PM, | 2 comments

Francesca went to Mass

Sunday, we got to be holy.(wink!)

So between 9:30-11:30 nasa Mass kami ni Michel.
And formal wear kami, kasi required, naka long dress ang beauty ko, si Michel naka suit.
Ka respe respeto ang dating namin, (until we crack up! lol )

Sa mass,(French language) usually, kami ni Michel pag di type ang topic, we look at some ladies and gentlemen how they wear clothes. I might say not many have taste, some got excellent ones.
Maybe because some got money to spend, others dont.
Anyway, thats our personal observation huh.
We just get some ideas how some present themselves!

Then Michel said, did you bring some tissue paper?
I finished mine, I need to sneeze!

Dukot ako sa bag ko (na nasa floor) sabay abot sa kanya.

He said: thanks!

But surprised!(shocked!)

Pantyshields ko pala naabot ko sa kanya, LOL
Individually wrapped pa!
At binuksan niya, in Public!

Huh! Sabay agaw mula sa kanya, kaya lang too late!
Dami nakakita!

Add pa yong tawa ng tawa si Michel!Hagalpak talaga!
Tinginan lahat!
Akala raw niya yon na ang modernised tissue paper!

Malay ko naman, pantyshields ko pala naabot ko, pareho kasi ang feel sa loob ng bag ko.

Then during the whole mass, di ako maka concetrate.
Nanliit ako sa hiya!

Mass topic is abuse of alcohol, and everytime may verse in the bible to read, hirap ko masundan!
Besides si Michel panay ang pigil kahahagikhik!
Sinisiko ko na nga eh!
Sabi ko: Ibuga mo na kasi yang ilong mo don sa CR!
Lalong tumawa!
Inis na mga katabi namin!
Gusto ko sabihin, di ko kilala yan!


Sa wakas, natapos na rin ang two hours mass!
Whew!

Eto na, singing time na to end the mass!
Yong nasa likuran namin, kung makakanta,
Akala mo nasa Concert ni Pavarotti!
Bigay todo ang feeling, sakit sa tenga!

Sabi ni Michel:
(parinig)
What a voice! Sounds like a Kaserola!

Doon na ako tumawa ng malakas!


 
posted by Francesca at 2:14 PM, | 4 comments

Butler's choice of holiday

Saturday, January 15, 2005
Imagine, kwento sa akin ni Butler, dalhin niya raw yong thailandaise nyang GF sa Lourdes ng France! Yon bang miraculous church daw yon?

Never ko pinuntahan yon.

Kasi makikita mo ron, lagi naka luhod umiiyak, mga pilay, pipi bulag, mga may sakit!

Ayoko mag holiday sa ganon!

Si Butler gusto!

Ngyaiiks!

Tinanong ko bakit don?

Sabi niya feeling raw niya one of those siya sa mga nag susuffer sa visitors of the church!
Sabi ko: Why, you dont suffer enough, thats why you want to see them?
Give me 500 euros, then I will see you suffer!

Nagalit! Buddhism pala siya! Ngiih, na convert ng GF! lol
Kasi kwento niya yong anak daw ng hari, ng makita yong mga nag hihirap na tinago ng amang hari sa kanya since bata siya,nag suffer din daw for the poor, so ganon din daw dapat tayong lahat!

Ngiihhh!

Yoko!

Sarap mag pakasaya eh, why suffer?
I suffer already doing good to others( that do not appreciate me), thats enough huh!LOL

Imagine, tour ka, in Lourdes Church, France.

Sa dinami dami ng magaganda sa France, Lourdes Church pa!
Punta na lang ako ng Italy, ganda pa ng mga Cathedrals doon.
Say mo?
 
posted by Francesca at 10:00 PM, | 4 comments

January 15,2005 Butler, tahimik!shock!

Pag dating ko ng work at 9am, tahimik si Butler.
Tingin ko na boldyak! lol

Di ko lang alam ang kwento. Suspense ano?
Ako rin.

Kaya ko alam, kasi di kumikibo! Pag kinukuha ang vaccum cleaner sa akin, lungkot mata!
Kala mo namatayan! Then di palakwento.
Tiyak ko na boldyak ni Boss, kasi dumating kahaponsina Boss, wala naman ako, hehehe.

Sa panghapon ko naman, 1pm pasok ko, aba wala sila ng buksan ko pinto! Yehey!
Then nasa lamesa, 500 euros!

violet color Mama! (shocking!)
First time in my life makahipo non ha?
Lagi, 100 euors lang, kasi mostly sweldo ko sa pang umaga ko, checke!

Pakita ko kay Michel, fake daw!
Ginoyo pa ako, para maging kanya! lol
Nearly two weeks ko yon, salary wala siguro barya si Madame kaya inadvance na ang iba.

4pm, tapos na ako.Tawag ako kay Michel kung pwede pasundo. okey raw.
Ten minutes after, call si Madame, pwede raw ba ako bumaba sa lobby,
dami niya pinamili, patulong.

Patay!

Di na naman ako makapuslit.

Ang work ko kasi sa kanya, kung wala na work, uwi, kung gusto ko mag extend, bahala ako.
Eh pag ganyang nag grocery, patay na, one hour pa bago ako makakauwi.
Ayos ng grocery, handa ng dinner, or minsan, serve ako ng tea and biscuit sa kanila.

Kakainis ano?

Pero ngiti lang, at yong 500 violet baka maalala,,,, palitan ng baryang sweldo, hihihi.

Pinaluto ako ng grilled red bell pepper sa oven for 20 mins, then check ko, di pa rin luto, another ten minutes, pinakita ko sa kanya, hilaw pa raw. Kasi bago ako aalis, nakaready na dapat yon for salad, with olive oil. Naka set na ang table for three bago ako alis.

Inis!

Buti ng pinakita ko sa kanya, sabi, I can go home , when to eat na raw sila saka na lang niya iluto uli.

yan ang buhay chimay.

Pero si Butler, ha? Tahimik! Hik hik hik
Baka nag break sila ng GF niya?
Abangan!
 
posted by Francesca at 7:03 PM, | 9 comments

Paris Experience

Friday, January 14, 2005
It was my first time to see Paris, so some filipino friends roam me around the city by car.
We are five inside, 3 girls and two boys in front. One filipino male asked me if I want to experience how they pick up girls in streets of Champs Elysee,Paris.
I said: What?
He said: Hmmn, for experience only.
I said: No, not interested.
The car was moving slowly, stops in front of the young Russian blonde girl.
Filipino: How much?
Russian girl: 500 francs, one go.(1998 francs pa noon , euros do not exist yet)
Filipino: Can I see whats inside your fur coat?
Russian Girl: Sure!

(She opens the fur coat, and she got nothing on inside! shocked!
Nude siya ! Mama Mia!)

I bashed the filipino friend in the head with my bag, telling him, move the car, you moron!
Tawa sila ng tawa sa akin!
Sabi:
Welcome to Paris!
 
posted by Francesca at 10:10 PM, | 0 comments

lock ko daughter, this time

Yesterday, di ko lang na post dito, kasi nakakahiya ang ginawa ko.
Two hours lang ako nag work sa afternoon employer ko.
Tinatamad ako, wala sa inspiration at all. Iniisip ko blog ko dito! LOL

3pm tawag ako kay Michel. Sabi niya, tapos na raw work niya, 12 noon pa!
Ayun, na inspired ako bigla!

Para umuwi!

Nag note ako kay Madame: "Got an appointment with my bank, Madame, I left at 3pm. See you tom.

Sabi ko kay Michel sunduin niya ako, in case masalubong ako ni Madame, hindi ako makakatakas.
Kaya, sinundo ako, 2O mins, andyan na si hubby.

Sabi ko, gala tayo! Punta tayo sa mall, balita ko maraming sale!

Sabi ni Michel, ano ba kelangan mong bilhin, dami mo na gamit?

Wala lang, Busog mata as usual!

(Michel naiinis, haba ngusi! lol)

"Ngayon lang ako nakatakas from work ng weekday noh, at bukas pa ang mga shops !"sunday kasi close, day off ko naman!)

So kambyo, ang kotse, diretso sa malls ng Nice.

Nag ring ang celphone ko!

Alam ko na yan si Madame, hinahanap ako.Di ko sinagot!

Nag tutut, message.

Sabi: If you are leaving early for your apponitment, please call us ahead, my daughter is waiting for 30 mins outside the building, cold, because no one is opening the door for her.Im in my office!

Shock! Sa excitement, ko, yong 11 years old niya pala na dalagita, uuwi ng 4pm from school!
Wala si sir, kaya ako lang pwede mag bukas ng door!

Worried ang lola francesca nyo!

Patay na, wala na akong panghapon, last month si Sir na locked out ko sa terrase, last saturday, late ako ng One hour, kasi nakikikain sa bahay ng isang Pinay for an hour, sinigang na baboy kasi ulam nila, di ko matanggihan! lol
2 pm na ako dumating for work,
yon pala, Madame and family, di naman gumala, nasa bahay at nag hihintay sa akin ng 1pm to buy them some lunch in a restaurant!
Ngiih, kumain sila 3pm na.

Then ito uli today , lockout ko si daughter outside the building, Kaya nga di ko pinost dito kagabi, kakahiya! Besides, au revoir (goodbye) na ang work ko!

Dumating ako kanina for duty, sorry agad ako kay Madame,
then sabay halik kay 11 years old.

Okey na, work pa rin ako sa kanila.ha!ha!ha!

Yehey, iba na ang may charms (wink)


 
posted by Francesca at 8:39 PM, | 0 comments

loans offer at my mailbox

Thursday, January 13, 2005
I check the mails in the lobby and I got this letter inviting me to have a loan of 500-8,000 euros depends on my needs and the letter is very formal and personalised in my married name.

The letter is very tempting. It says if I need some cash they will give me within 48hours, without processing fees.

Very interesting! Pero may catch!

19.79% interests per year! Okey lang sila?
Ang tawa ko pa, in lieu daw of the New Year they are giving this priviledges! LOL

Sent ko lang daw photocopy ng residence card ko, RIB ng bank and passport photocopy.
If co borrower ko raw ang husband ko na French (how they know that?) identity card daw photocopy , isent then together with the application form attached to the letter.

Hmm, tingin ko rin sa likod ng papel, ganda offer!
10 euros rebates monthly if prompt ang payments!

Fantastic!

If eng eng ako sa pera ko , sige na ako!
Eh yong bank namin offers 5% interests yearly on loans , ayaw ko!

Eto pa:

Free dvd player daw as welcome gift, if we apply immediately! LOL

Okey yong sumulat na director commecial ah!
Panay pa ang Madame sa akin, everytime he start the paragraph in his letter.
Just to get my attention na he is formally, personally take me seriously.

In idiocy, of course, hehehe.

Letter went to the bin.Ciao!

Ako pa, kahit banko ko nga, kung maari, yoko sila kumita sa hard earned money ko.

Advice, mga Tita, scrutinized lahat ng mga offers na yan. The intention is to make money out of you, not to help you.
 
posted by Francesca at 10:34 PM, | 2 comments


Camargue, France Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:53 PM, | 0 comments


Venice, Italy with the gondolas! Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:38 PM, | 2 comments


Monaco, Montecarlo Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:26 PM, | 0 comments


PonteVecchio, Florence ,Italy Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:23 PM, | 0 comments


Doumo, Milan, Italy Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:12 PM, | 0 comments


barcelona, spain Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:08 PM, | 0 comments


Geneva, Switzerland Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:07 PM, | 0 comments


francesca, monaco Posted by Hello
 
posted by Francesca at 9:05 PM, | 0 comments

Major fight with Butler today

At 10 am, busy ako linis bahay nina Sir. Wala sila , but I want to make sure, in case biglang dumating at least okey ang bahay.

Daan si Butler,

sabi: I call Sir.I want to know if he is coming today or not.
Me: No, dont do that!
Butler: Why not?(annoyed)
Me: Why you want to call him?
Butler: He said, he might come today, so I want to know.
Me: Look, they are on holidays, okey? Dont disturb them.
Butler: They are in their house in Torino, so they are not on holiday!
Me: Look, being away from Monaco is considered holiday, okey? They are on holiday, do not call them.
Butler: Oh, but you know, if I dont prepare his food, I dont have the time, I have to wash his car when he arrive, he will tell me to go to the shop, what time I go home with all that work!
Me: (naaasar na ako, he is soooo st---d!)
"Dont he have money to buy his meals, in case he arrived?"
Butler: You dont understand!
Me: My reason why not to call him, is , I am still here. Can you wait till I am gone?
Butler: Why?
(Ay ang eng eng, talaga.So explain ako:)

"Because ayoko masali sa tawag mo! Tawagan mo siya after one pm, not before, pag wala na ako. Isipin ni Boss sali ako dyan. Isipin non, nag nanakaw na tayo, kaya gusto mo alamin kung uuwi siya. Kuha mo?!"

Di pa rin, Hirit pa rin siya. (eyes rolling)

Butler: But I am not doing that, I'm just concern. He had no food, if he arrives.

Me: Okey, okey, go, call him, lets see!

Butler went out! Went to the kitchen and sulk!

Good, sabi ko, at least tahimik ang ironing room area ko.

Bat kaya siya nagagalit?

Crawling? Showing Boss he is in control, he is doing his work properly?
Or bading siya? Namiss si Sir?! huh! shock!

Pag kasama mo sa work ay isang crawler, very dangerous!

Click comment if got any idea. Baka mali hinuha ko!
Bukas, I see whats going on!


 
posted by Francesca at 5:51 PM, | 0 comments

We lost our car in france!

Almost! hehehe

nag grocery kami kahapon ni hubby, pag balik namain sa parking lot, nawawala kotse namin!

Inikot namin baka wrong parking slot lang kami, pero wala talaga!
Click niya ng click ang susi na hawak at baka mag respond ang kotse (inisip niya nag invisible lang ba? )
Wala talaga!
Report siya sa Security ng Building. Tagal ng hintay ko, mukha akong eng eng sa parking lot, with the trolley of goods.Nag iisip na ako ng masama , pano na, andoon papers namaing dalawa sa compartment, aabsent na naman para sa paper works, also sa hanap ng replacement car, etc etc; Dami ko na wierd scenarios na nag play on my mind.

Then after 15 minutes ito na siya(hubby) driving the car.
Lumuwag dibdib ko ha!

Eng eng ba naman, wrong floor pala yong nilabasan namin from the elevator. Nasa second floor yong kotse, napunta kami ng third floor!
Whew!
Inasar ko: "Must be the old age syndrome strikes again!?"
(Tahimik na nag drive.)

Kaya, tigil na rin ako.
 
posted by Francesca at 12:03 AM, | 2 comments

Carrots nga lang ba ang dinner?

Wednesday, January 12, 2005
O, Amy, anong nangyari sa 2 carrots for 6 persons? Na intriga tuloy ako. Baka sila lahat nagda-diet.

ay, oo nga, sorry, na forget ko na kwento doon ah! Nang dumating ako the next day, aba, wala talaga any box from restaurant na nag order sila or what ever man lang na binalot from the guests! Talagang diet ata sila? Meron two bottles of wine and bread with olives stuff in it lang na nakita ko tira tira.Other than that, wala! Siguro mga vegetarians ang guests ni Madame! Alam ko sila Madame , they eat meat , kaya weird ano?

Biro ko kay Butler (after makwento ko yong ganon) "I invite you to have dinner at home. I prepare 2 carrots for you and your gf, one each!"
He said, "I kill you with my swiss knife!" (pabiro ba)

Mind you sabi sa akin, yong uniform trousers daw niya, dalhin na niya sa work for me to wash, kasi yong gf daw niya or siya ang nag lalaba every time sa bahay.
Sabi ko, palabhan mo sa akin?!
Lagay ko yan sa 90° program ng machine, makita mo. (Mag shrink kasi lahat yon pag super init ang water sa machine in 90°)

Ano siya sinuswerte, di ko labhan yon ah, ano siya Boss?

Ginogoyo ako, kala makalusot!
 
posted by Francesca at 11:59 PM, | 0 comments

Coffee and prawns, Butler again!

today, pinagalitan si butler, hehehe.

Eng eng ba naman, grilled fresh coffee ni Madame hinalo niya sa lagayan ng coffee ni Sir. Eh kahit parehong grilled coffee yon, iba ang lasa non kasi ibang brand.

Maiyak iyak , (hindi yong butler )kundi yong boss. Wala yong usual flavor na kape niya sa umaga, sira araw non!

Then nang umalis, vent si butler sa akin: Last night daw sa dinner, luto niya 10 gambas, big prawns. Sarap kain ni Sir, naubos niya Pito, kay Madame daw tatlo lang.

Ask si Sir: Meron pa bang Prawns?
Butler said , wala na.
Ano? di ba sabi ko sa iyo, buy ten prawns?
Sir, pito na yong kinain nyo!Sabi mo ten lang di ten lang binili ko.

Oh no, tatlo lang talaga kinain ko, sabi ni Sir. (sabay tayo at tingnan yong basurahan, hinalukay talaga yong basurahan kung pito nga yong ulo na katatapon niya(sir).
Oo nga! No wonder I feel sick!
Next time buy only 6 not ten!

Ngiih!
 
posted by Francesca at 11:42 PM, | 0 comments

dinner for six, carrots?

Late ako ng two hours today. Pano I got my one year residency and took me looong to process, number ten naman ako. Pagdating ko sa work, aba maayos ang kama ni madame! Tanong ko si butler if he did it. He said no. When madame arrived, i thank her. She said, only me and her can touch her bed. Hiwalay sila ng sleep ni Sir. Si butler naman ligpit ng bed ni Sir. Yong panghapon ko naman, kakatuwa. Dating ng 5pm, tatakas na sana ko, kasi tapos na ako. Sabi: Help me set the table for tnight, dinner for six. So lagay ako plates, kubyertos, wineglass and water glass. Mga spices and water and wine. Then sabi niya: prepare this: Shock ako? for Six persons ha... 2 carrots to shred(oy no laughing please! ) 4 tomatoes to slice 4boiled eggs sliced ten pieces of asparagus to boil 4 artichoke flower to boil Gusto ko sabihin: For 6 persons???!!!! Yan lang? Kung ako bisita, di na, bahay na lang ako. Mind you inabot din ng one hour, preparation lang ng ganon! Kwento ko kay Michel ng sinundo ako. Tawa ng tawa. Then he said, you dont know, maybe she orders something,to add. Bukas ko malalaman, kung meron pa siya dagdag to feed them, post ko rito. Intriguing ha? di ba? Carrot rapé (shredded) di bale na kung yon pakain sa akin.
 
posted by Francesca at 11:41 PM, | 0 comments

Butler, pasaway!

monday, asar, ang dumi ng bahay ng madame. ABA 2 days lang kami nawala ni butler grabeeehh ang kalat ng dalawang gurang! plus pa yong aso dami balahibo sa sofa! then ang labahin tambak din, as monday is changing bed covers for two. Inasar ako ni Butler: Madame is staying in Monaco until Jan 5, holiday in Italy until that day. So you will really be in a cram.Lots of work for you. Sinagot ko: Im sorry, but I stay only half day here, you are full day until 6pm, hek hek hek. Kaya lang di niya na get yong sagot ko, kakaasar. Very tiring minsan pag kausap mo bano! Di man lang affected pag subtle abuse ang sagot ko. Post ko pictures of barcelona tonight ,Tuesday. Di kasi digital cam namin eh. Lumang style pa, yong may develop pa sa shop. Pero proffesional camera, yon bang mabigat na may lenses. Tingin ako ng cannon digital ixus, mahal pa nasa 369 euros pa. Hintayin ko mag sale after the holiday. Baka Piso na lang, malay di ba? _________________
 
posted by Francesca at 11:38 PM, | 0 comments

Complaints of Madame about my work

Today , dumating si madame from Italy.
sira buhay namin ni butler.

SABI SA WORK KO:
yong small towels di pantay ang tupi ng pagkaplantsa mo.
Yong mga mantel ng lamesa sa closet malambot, hindi plantsado ng maayos, lagyan ng fabulon (pangpatigas spray)
yong white cupboards may bakat ng cutex ko; kiskisin;
yong carpet na maliit sa office ko ibilad.

ARRHG!

si butler sinabon din, amoy isda raw ang kitchen. LAHAT RAW BAGO MAG PASKO AYUSIN! kaya rapido gawa namin ni butler para matapos gawa namin!

later nong okey ang mood,tinanong ako kung may xmas sa bansa namin.
of course madame sabi ko.
catholic ka?
Madame I am a christian.
aH VERY GOOD, not muslim?
No, i am not, madame.

sabi ni butler, baka tanong ka kasi mag bibigay ng gift, malay?
Sabi ko: hopeful ka talaga.

after work, uwi ako NICE sa mail box may post office notice! punta ako sa post office, yong friend ko from japan, nag mail ng jacket may fur pa sa loob! then another letter from Immigration: have your medical check up on December 29 at 1pm, to have your one year residence processed.

haaay, sa wakas, bigay na rin one year residence ko. mean while sira ang pc ko, kaya sa rental shop ako nag post nito. Wala connection ang internet ko, two days na.kaka asar! punta ako sa shop; subscribe ng bago, kasama na sattelite for 40euros per month. sana okey lang kay michel ang new gastos, hehehe._________________
 
posted by Francesca at 11:35 PM, | 0 comments

Butler new hair cut!

Butler got a new haircut today. I told him: "You look human with your haircut. Keep it". He wants to snap me with his mop, I ran away.
 
posted by Francesca at 11:33 PM, | 0 comments

My boss lost millions of euros!

Last friday my employer said to his wife: I lost a few millions of euros in the market today... Wife said: Good enough , its not that much? Me in the kitchen:shock! thats a lot of money!not that much! I have to work really like crazy to get thoseMoney and he just lost it as if it is normal?!

Today my morning employer got a new Bentley conventional GT car, lates model. Price: 187,000 euros only. He is selling via ads his Aston Martin Cabriolet 2001 for 84,000 euros.

Michel said: ASton Martin is the price of ( 6 cars)total of our Renault Clio .

Sarap nila? Happy kaya sila with all those money? Your thoughts?
 
posted by Francesca at 11:29 PM, | 0 comments

Butler's Dilemnas,What a day!

Today tempest sa north of France.
Syempre abot dito sa Nice,Monaco, pero konti lang.
Although pag lumabas ka, tangay ng malakas na hangin wig ng iba .
Si Butler, aga pasok, 8:30 am nasa work na. Off siya kahapon in exchange last Dec 8 na pumasok siya. Kaya he expects dami niya work pagdating. So linis na siya outside the house, malapad non(paligid) bah, plus pa garden na dami lag lag dahon gawa nga ng tempest (lakas hangin,) signal no.1 sa ating bansa.
Sabi pag dating ko ng 9am: Hayy, buti natapos ko ang garden at paligid, sa kusina na lang ako mag concentrate at sa mga personal gamit ni Sir. (Golf shoes, shine niya, casual at formal shoes, mga suits ni Sir na needs brushing at mga kinainan yesterday plus bfast today plus pa kitchen kanya linisin yon, not mine, luto pa carrots ng aso).

So tuwang tuwa si Butler, rapido niya work niya, makakauwi siya ng 1pm sabay ko dahil Saturday half day rin siya, Sunday Off kami.

Plus pa yong aso, nag putik sa Sala ng basement office ni Sir, ahhhrg, over sa Putik, at ang banyo don, palitan ng tuwalya at mga kalat ni Sir sa Golf.Hala, vacuum dito, mop don at linis ng sala.

Tough day kay Butler, ang Saturday Dec 17.

Mga 12 noon, graabeeehhh!

Liparan lahat, lumakas ang hangin! yong mga sapatos ni Sir na binilad niya sa terasse, habol habol niya, tinangay ng hangin. Yong garden na nilinis niya laglag na naman mga dahon!Tumba mga paso ng tanim ni Madame! Sa Kusina, niluto niyang carrots sa aso, sunog! Kaya pala baho , amoy sunog!

Maiiyak nanaman si Butler!

Eh nilapitan ko,(tulungan ko na sana, sabi:

"DONT GET NEAR AND SPEAK TO ME, GOT NO TIME!

Suplado!

So tinapos niya 1pm, labas na kami, off duty na.

Sa labas ng Pinto, may poopoh ng aso,ngihhh, katapat ng pinto!

Balik siya para kunin ang pang dakot at linisin ang kalat ng asong di namin alam kung kanino! Super asar na talaga si Butler! Buti wala si Sir, nag sabi na ng Bon Weekend (have a nice weekend) sa amin 11am pa lang. Basta ako, bye na to him, oras ko na noh, punta ako sa next employer ko, kahit rabbit lang madatnan ko don.

Linisin ko raw Fridge ayon sa note ni Madame panghapon, at dalhin ko na yong mga laman at masisira lang. Less grocery kami ni hubby , for the week.
 
posted by Francesca at 11:28 PM, | 0 comments

Butler Linis Dahon

Oyyy, thank you mga girls, fan ko na ba kayo? hihihi. Continue tayo.(may time ba kayo? ) Last monday, sabi ni Mme Italian, kay Butler, di ko gusto yong dahon ng tanim ko sa hallway, marumi, pakilinis. So gawa ni Butler, spray ng water sa dahon.Psssk! Psssk! Iniwanan. Pag balik ni Madame, nakita ang dumi lalo! Sabi kay Butler, hindi mo nilinis and mga dahon. Katwiran niya nilinis daw niya. Ulitin, sabi ni Madame. Tanong siya sa akin , what to do. Sabi ko, eng eng ka pala eh. Pag nag spray ka ng tubig sa dahon, at ma alikabok ,then nag dry ang tubig, putik lalabas sa dahon! ngani ngani kong sabihang "s----d!
Pano ito, sabi sa akin?
Sagot ko, kuha ka ng basahang damp, isa isahin mo yong dahon punasan!
What? nanlaki mata ni Butler.
Ay oo, sagot ko.
So ginawa nga niya, akyat pa siya sa ladder, kasi fortune plant yon, medyo mataas.Inisa isa ang mga dahon punas! Nasilip ko, inaantok si Butler, habang punas ng punas, muntik na mahulog sa ladder.

Ginulat ko,sabay "hirap kumita ng euros ano?" biro ko. Tumigil ng gawa!Naasar! WALK Out siya! Sabi ko(paasar lalo) hehe, the area is not mine to clean, so its yours.


 
posted by Francesca at 11:25 PM, | 0 comments

Christmas gift!

Eto ang latest (saka na yong mga nakaraan ha?Excited kasi ako sa todays' event.)

Madame is going to Germany tom until Jan 2, so Jan 3 na kami kitakits, with (husband and daughter 10 years old) Pauwi na ako, bigay niya salary ko advance for the month, then gift, naka bag ng ESCADA!
Sabi ko, hmpp, baka tshirt or pull over na naman itong gift na ito, nilagay lang sa bag ng ESCADA.

Pagdating ko ng bahay, binuksan ko, excited sabay warak ng papel na nakabalot!

ESCADA long coat!Mama mia!

Andoon pa ang tag price, 1,829 euros !

Sabi ko kay Michel, anhin ko to?Gusto ko kwarta, hindi ganito!

Sana pinera na lang niya, nabili ko na yong gusto kong Canon digital cam IXUS 4.0

Michel said, send it back to Escada shop in Monaco, change it to cash! LOL

Ayon nakalagay sa closet ko, I told Michel, now it gives me a problem, I need to buy the shoes and bag that goes with it!

Yong pang umagang employer ko naman, nakita ko kung ano ang ibibigay. PANNETONI!

Pannetoni, italian brioche(bread) culture sa Italy bigay laki Ensaymada tasting na bilog na bread! Sabi ko kay Butler, naku, tatawa si Frenchman pag inuwi ko yan!
Tyaga ko bitbitin to Nice, nag te train pa naman ako!

Sabi ni Butler, "yan lang ang binibigay, wala tayo magawa."

"Kanila na yan, di ko gusto yan!"huhuhu! Pannetoni!grrr!

Even kasalubong kong mga kababayan, tatawa dyan!

Suggest ni Butler, lagay mo na lang sa HERMES na bag, bigyan kita! Inasar pa ako!

Pero tatanggapin ko yong Pannetoni, for the sake of peace! Baka may naka ipit na sobre, malay? di ba?

Sino may gusto ng Pannetoni? Post here, tea tayo
 
posted by Francesca at 11:24 PM, | 0 comments

Boss locked out, whats up now?

Have you been fired by your boss for locking him out? bat wala nang kwento about work.
One reader asked!

Sagot:

About the Boss locked out, no I wasnt fired out. Natatawa lang si Sir. Next day, I thought galit si Madame, hindi naman. They told me, they are willing to declare me kasi if something happened like that to me (esp in Monaco) at tawag pansin ako sa Police, then asked my name and I will say I am working there, lagot sina Madame. Bawal kasi hindi nag dedeclare lalo na kung may papel, laki ng penalty nila.Mawala pa residency nila.
 
posted by Francesca at 11:22 PM, | 0 comments

funny experiences, France

Punta kami ng mountains for the snow. Eh super lamig, syempre, pipi doon at dito. So stop kotse sa highway na may toilet. Eh ang toilet, made of stainless steel! ngiihhh! At nawala yong seat (upuan) ,yong stainless steel toilet bowl lang ang andoon!. Balik ako ng kotse. Ask si hubby kung nag wiwi ako. Sabi ko no. And why not? he asked. If I sit on the toilet bowl, frozen yong bowl, didikit Puwet ko don, sakit non ha?! Tawa ng tawa si Monsiuer! Bakit kasi bakal ang toilet don, mga bano ang nag lagay. Sabi niya, don na lang daw ako sa talahiban, i cover niya ng kotse. Sabi ko di bale na, matusok pa yong akin don! Besides highway tayo, akala nila nag piprito tayo ng isda don, kasi ang wiwi mainit, nag sound ng pssssk pag bagsak sa yelo. Baka umusok pa, di ba? Sa France ito, kaya weird talaga!
 
posted by Francesca at 11:17 PM, | 0 comments

Huli ako, na extend tuloy oras!

At five pm, tantiya ko, I am finished. Wala sila Madame, buong mag anak!
Sarap!
Kaya, free ako to do may work.
5pm call ako kay Michel, to pick me up. He said fine, kasi off duty na rin siya, just now.

Then I realised, there is no butter left in the fridge, so I have to buy or they dont have to put in their toasts tomorrow! Madame and kid especially, they go to work and school respectively.
Besides, work ko yan, pag wala sila magamit, minus record ko. Di naman ako pagagalitan, kaya lang , me as a professional (kuno) should know better.Di ba?

Or habit ko na ata. I check if wala na tissue paper, I go to the shop. Imagine uupo sila sa trono early in the morning at wala tissue paper, kayo man, ano gawin niyo! sige nga?

Kaya habit ko, i f I take care the household, pati panglinis tenga (cotton buds, ano fi?) kelangan meron stocks! LOL

So, kuha ako coins from the canister, go to the shop, and shock! Andoon si Madame, at nag shopping din! Tuloy, extend oras ko! Hu hu hu!

Bitbit, ligpit, lagay sa fridge, !

Okey na sana, tapos na, kaya lang, nag handa ba naman ng oven at mag bake daw siya ng cake! Birthday pala ni Daughter niya 11 na, kaya bake siya ng cake, personalized!

Ang beauty ko, over na sa asar, ngiti aso lang, sige, habang tulong ng basag ng egg sa blender, brrrr , blend them, put milk, blender again, ect ect, until siya na nag timpla!

Natapos 7pm!

Minsan, hindi rin pala maganda yong concern ka too much sa amo. Nahuhuli uwi ko!
Next time, bahala sila wala tissue paper for the toilet! Magtabo sila!

Ang isang asar ko pa, dahil wala sila, pinakawalan ko sa hawla niya yong rabbit, kaya gala ng gala sa loob ng kusina habang ako naman ligpit ng plato to dishwasher. Eh pag tingin, ko, yong pantalon ko, ngingatngat (bleeh! tama ba tagalog ko?! ningatngat ba?)Ang bilis ng pangyayari!
Kaya ayon uwi ako butas ang isang pantalon ko. Buti madilim na. Di Obvious!

Sa kabila, Butler, dito sa kabila rabbit> ang dusa ko!
 
posted by Francesca at 10:43 PM, | 0 comments

mistake a butler shouldnt do

Monday till Wednesday our Boss went to Torino. Butler get annoyed he didnt tell when he is coming back. Today, Wednesday, he called the Boss, in his cellphone, it is closed. Butler insisted, called the Boss in his land line.

Butler: Sir I would like to know if you are coming today so that I can shop your vegetables for lunch before I go for my lunchbreak.
Boss: (annoyed) If I come, I call you.
Butler: You think tomorrow, you are here?
Boss: I will call you, maybe I will.

end of telephone call...

Butler approached me.

Butler: You know, I called the Boss, why he gets annoyed when I call, I just want to prepare lunch for him if he is coming!

Me: Is it true that lie?
You called because you want to know if he is coming, then you do all the work, but if he is not you will not clean the garage, the garden , the kitchen, etc etc.

Butler: You are nasty. (Sabay talikod!)

Ang tawa ko sa kabobobohan niya.

But in my 6 years of dealing with Monaco residents(especially rich employers) never call to ask if they are coming or not. They call you, not you calling them, otherwise they would think, you are prying or doing some dubious acts (like emptying his house)while they are away. Instead of ten days away, he might come tomorrow to check, if Butler is doing right.



I cannot judge the poor Butler, but he put himself in a suspicious situation calling the Boss, 300 kms away.The reason of buying vegetables is a pretex.

What I knew, Madame told me they are away for ten days.
Butler was not informed????!!!I wonder why?

Employers sometimes do some tricks, if one is honest, ok, but if they see you coming, hehehe, you get it.

Just a simple common sense lang naman, wala si Butler non?!
 
posted by Francesca at 7:35 PM, | 2 comments