Tsika from Philippines

Monday, March 21, 2005
Ka chat ko anak ko. Siya ang nag aasikaso ng internet shop.
Eh nag pabili siya ng xerox machine.
Charge 1.00 peso per copy.
Malapit kami sa school, kaya ok ang business.
Eto na ang tsika.
Nagagalit ang ka competensiya.
Kasi singil niya 1.25 per page.
So sa amin lumalapit.
Of course.
Eh business ito noh!
Then sunod na order ni Daughter ko, 4 pc additionals.
In demand sa school ang term papers kung graduation na.
Bumili 4 na PC.
Haba nguso ng ka competensiya.
Deadma ni Daughter ko.
Nag pabili ng isang sakong bigas, sinakay sa tricycle,
Haba na naman nguso ng kalaban.
Paki ng anak ko.
Basta hindi niya inutang itong bigas.
Namana sa akin, she doesnt bother.

Then, nag apply kami ng PLDT line.
Approved!
Kasi nga, papers ko from France pa ang hinigi.
For sure na we can afford to pay.
Pati business permits etc etc kinuha ang kopya!
Pati marriage contract namin ni Michel!
Ganon na ba kahigpit ngayon sa Pinas?

Dati kasi PT&T telephone connection kami.
Wala sila DSL.
Hindi pwede hindi DSL kung sa gaming.
Uso ang larong RAGNAROK sa Pinas;

So dumating ang survey men ng PLDT.
Haba na naman nguso ng kalaban sa negosyo.
Eh, for ten years, na nag aaply sila ng PLDT,
Dis approved sila.
Ako, in a week, ito na , ready to install.

Ang tsismis, dinaan ko raw sa pera ko.
Eh wala pa nga ako binabayaran?
Bat ako mag babayad, hindi pa nga na install ang telephone at DSL?

Anyway, deadma ang mga inggitera.
If I ask their permission everytime I make a move to improve my life and my children,
Saan ako pupulutin nyan?
 
posted by Francesca at 8:52 PM, |

3 Comments:

ay tita! mismo! tama ka diyan . . sabi nga mga youngster sa pinas .. "walang pakialamanan" . . . tama naman sila di ba? basta you are in the right track - go...
if i may ask, magkano na ba monthly payment para sa unlimited internet connection sa pinas? i mean, with dsl and all. thank you.

rose
1900 pesos raw kung one pc lang, at personal use. Kung business, 4400 pesos.
Di pa na email ang total bill kasi hindi pa nakabit.
Hopefully mababa lang.
For the meantine, gamit namin, dial up internet connection, via PT&T cost us 875 pesos monthly, unlimited.
Di pwede sa gaming na international like Ragnarok.
Mbagal ang dial up, parang ordinary telephone chat lang ang speed. Thanks for asking Rose.Wink