nightmares

Wednesday, March 16, 2005
kagabi, nananaginip ako.
Una, may nag pa flashlight sa bintana namin.
Natutulog kami ni Michel and yong mama na nag flash ng lights niya, tumama sa mata ko, at nagalit ako.
Sigaw ako ng: AHHHHHH! sabay hawi kay Michel.

Poor michel na alimpungatan!
Yakap ako, at baka, hatawin ko siya uli.
Pero okey na ako.
Gising na.
At hiyang hiya, may tama si Michel.

So back to tulog...

At 5 am, sigaw ako uli: ARRRGGGHHHH!

Kasi, yong isang Pinay, kinuha yong Rayban ni Michel, binili sa SM, eh 5,000 pesos yon.
Kitang kita ko ng kinuha niya sa mukha ni Michel at sinundan ko siya, binebenta sa isang seaman sa Monaco, ng 700 pesos!
Takbo ako sa kay Pinay, sabay agaw ng Rayban!

Arrghhhh, kay Michel yan!

Yon ang tunog sigaw ko.

Gulat na naman si Michel.Nahataw ko na naman, sabunot talaga! lol

Tumayo na.
Kumuha na ng Tubig.
Over na raw ako bah!
Inumin ha, hindi pag buhos sa akin, hehe.

Then nag alarm ng 5am.
Sabi ni Michel, makapasok na nga sa work,
Ayoko na ng pangatlong sigaw ,baka bali na dib dib ko!
Punta siya sa kusina, gawa ng kape.
Ako naman, nag tataka, bakit dalawa pa ang sigaw ko?
Pagod siguro ako.

Kwento ko kay Pinay friend.
Ang Bru, kumuha ng ballpen.
Itaya raw sa lotto ang numero!
 
posted by Francesca at 9:20 PM, |

0 Comments: