Chico the Cat

Friday, March 18, 2005
May siamese cat si Madame.
Super tamad!
Datnan alisan ko tulog!
Kaya inaasar ko minsan.
Mag ba vacuum ako sa tabi niya.
Ayaw kumibo, uunat lang ng mga paa(paws) niya , balik tulog na naman!

Sigawan ko nga: "Chico, tamad mo, mag banat ka naman ng buto!
ALLEZ!"

Ayaw pa rin.

Hinayaan ko na.

Sarap maging pusa minsan...

(Once in a while, sometimes its nice to be a cat!)

Tulog lagi!

Ang kinakain ni Chico ay croquet!(parang cereals ba.)
One time may lunch ako, binigyan ko siya ng sardines na ulam ko.
Ang Chico, inamoy lang, then iniwanan!
Sa Pinas ang pusa namin, pag nakaulam ng isda, lalo na sardinas,
Pagkatapos kain, pinapahid sa buong katawan ang lansa ng isda.
Pa inggit ba sa ibang pusa!
Parang jewelry sa pusa ang isda, lalo na sardinas!
Pero itong si Chico, ay naku, hindi pusa ito.

Daga ata ito!
 
posted by Francesca at 10:11 PM, |

1 Comments:

madir, post mo naman picture ni chico the cat, mataba ba? pakainin mo kaya sya ng inihaw na tuyo!? pero baka mag-seizure 'no, ano ba kinakain nya?