Tsika about filipina lives in Monaco

Tuesday, February 08, 2005
Maaga ako pasok today, 7am alis na ng bahay.
8am nasa Monaco na, eh pasok ko 9am pa.
Kasi meron na naman balitang disturbance sa byahe, train at bus.
Gawa ng NATO Summit Fev 9 and 10.
Ewan kung sa ibang bansa meron din nito?
World peace daw ang tema.
NATO.
Of all places, Nice pa ang napili na dausan!
Grrr!
Anyway, di yan ang tsika for today.
Mga politics, ayoko niyan pagusapan.
Kaya, maaga ako, para walang late and also about the tsika of today:

Punta ako kay Pinay friend.
Nag kape uli sa kanya.
Sa baba lang ang work ko, same building.
Siya naman pa studio ng madame nya.
Kaya swerte siya. Ganda ng accomodation niya.

Eto na ang tsika:
Pinay Friend: Kahapon, punta ako sa Larvotto,( Monaco)
Sakay ng bus, sa loob may 2 Pinay na nag uusap.
Pinay 1: Bakit ba ganito kapawa nating Pinay dito sa Monaco?Di na lang pakialaman buhay nila , pati akin kinakalkal!
Pinay 2:Bakit? Naheadline ka na naman?
Pinay 1: Kasi nalaman nila, may BF na ako,seryoso, for marriage talaga!
Pinay 2: Ano masama don, maganda ka at single.
Pinay1: Kasi naman, kabago bago ko rito, nakabingwit na raw ako!Sila matagal na, still hoping! LOL
Pinay 2: Ano ba tsikang masama sa iyo!
Pinay 1: Wala naman daw pera ang Frenchman ko.
Lolokohin lang daw ako.
Or gagawin daw akong asukal de Mama!

(Tawa ako ng tawa sa kwento!)LOL

Me: Asukal de Mama?! , Eh maliit lang sweldo natin, di natin kaya bilhan yon ng Ferrari!
Pinay Friend: Eh nahalata yata na andoon ako, Opps! Sabi ko, masanay na kayo, sa Pinoy Community ang tsismis, national sport na yan ng mga Pinoys at Pinays dito.
Kahit pinakamatino pa, di ligtas!
Pinay 1: (tinuloy ang kwento) Masama ba mag asawa ng Frenchman?Buhay ko to noh, di kanila.
Ano man gawin ko sagot ko na yon.
Singit ko: Tama siya, reap what you sow lang yan!

Pinay Friend:Di ba , ikaw rin, 2000-2003 ,naheadline sa buong Nice at Monaco Filipino Community!?
Sinira mo raw ang magandang reputasyon ni Michel.Kinabit mo!

Ha ha ha! (ang tawa ko!) Kasal na kami, tapon na yang issue na yan, bago na ang news ngayon!
Mme Michel na ako!

Then nag seryoso na kami.

Me: Kami ni Michel, sabihin na nilang pinakamakasalanan sa buong mundo, wala kami say.We are too busy ourselves honeymooning to worry what they say.
Pinay Friend: Kaya nga! Sabi raw eh, papel lang habol mo kaya ka nagpakasal doon!
Me: Oy, next time sabihin mo sa kanila, pati pera! At! Alam ni Michel yan! LOL
Alam mo sagot ni Michel dyan? "I approved of it, If it is not you, it will be someone else anyway!
Ah!"

Pinay Friend: Ako naman daw, pabahay ng Madame, kung makadamit daw ako to work, akala Madame na rin ako!
Me: Madame ka naman ah, Lahat ng married na, pinoy or puti man ang asawa, madame in French!Pero, pati ba naman yon?
Pinay Friend: Aba oo! Pati BF ko raw, wala hitsura, kalbo!
Wala ako paki, basta ako masaya!
Me:I find then very poor, pathetics!
Pinay Friend: Kasi naman, paano naman sila magustuhan ng Puti, kung magdamit, katulong talaga, pati employer nila, iiwasan sila when meet in public! Di gaya natin, uuy, Madame ang dating, naka ayos, kahit katulong lang, naka pang office ang suot.Naka makeup pa!
(Tawanan na naman kami!)

hay, sarap minsan may katsika! Nawawala wrinkles ko!
Then almusal namin pain au chocolat at croissant lang.
Hati pa kami.
Enjoy!
Kung di lang 5 minutes to 9am na, di pa ako aalis!
Sabi ko bukas balik ako ha?
Sige raw, agahan ko, at dala ko raw siya:
Tigdalawang kwasang at peng o syokola!



 
posted by Francesca at 9:10 PM, |

2 Comments:

F'cesca di lang monaco yan along ng coast ng cote d azur ha ha ha ;-) i also know nag susumbong sa police ang iba they report ang ibang walang papel. How cruel ng tao pag mag selos talaga. enjoy sa pan chocolat ulit at wang masangkot sa gulo ha ;-)
Yap, ingat ako talaga, kasi sabi ni Michel at stake pa rin daw papel ko kung may kaso ako sa immig.
Buti na yong law abiding citizen ako, hehehe.