Puno ang fridge namin ngayon!

Saturday, February 19, 2005
Lagi yan, nag papakonsensya ang fridge namin.
Kelan daw namin punuin ng pagkain.
Lagi na lang tirang keso or lumang isang pirasong kamatis ang nasa loob.

Today nag aya ng grocery si Michel
So punta kami ng AUCHAN;
Bah, pagdating namin don, ang daming sale!
1euros lang sabi sa tag price.
Auchan Nice Branch ito ha?
Di ko alam mang kung meron din sa ibang Auchan Branches.

Kaya lang di naman namin kailangan yong mga tig one euros na yon.
Okey yon sa mga uuwi ng pinas.

So hindi yon ang punta ko.

Punta ako sa pagkain. Naalala ko ang fridge.
Kaya, ngayon, tambak ang grocery.

Beer ni Michel sa terrace ko na nilagay.
Lalamig din yon doon. Winter ngayon.

Advice ng mga experts, huwag mamili ng gutom, at galing sa work.
Kasi dampot ng dampot, kahit di muna kailangan.
Napapalaki tuloy ang gastos.
Huwag niyo ako gayahin.
Please lang. Hindi mabuti sa inyo.
 
posted by Francesca at 11:20 PM, |

0 Comments: