Pag ako ay tamad mag luto...

Sunday, February 13, 2005
Isip ako ng pinakamadaling menu.

Meron pusit, at red pepper sa Fridge.

Dikdik ko isang bawang buong ulo, pino, prito sa low heat, tinabi.
Hiwa ko ang red pepper in strips, prito sa oil,tinabi.

Microwave ko ang pusit, para madali matunaw.(hahaha, matic nga eh,)
Hiwa like daing, then four parts.
Tatlo kay Michel, isang part sa akin.
Prito sa oil uli, baliktad, lagay ng Knorr Seasoning Savor.
Hmmn bango!

Then halo ko yong pritong bawang at red pepper.
Yon na may ulam na.Lagay sa plate in artistic way,May lettuce at the side.
yong ulo ng pusit nakangiti kay Michel.

Buti may bigas pa kami, 2 cups pa naiwan sa plastic bag, nagsaing ako.
Bilisan din, kulong tubig from the boiler na nilagay ko, on sa rice cooker, balik sa pc to post blog.

Di ba okey?

Next:

meron kang:
Tuna in can with olive oil, mas masarap
2 eggs, boil it,
2 carrots, grate it
2 tomatoes, hiwain
tatlong dahon ng lettuce
avocado hiwain ng cubes

arrange it nicely in a bowl, the tuna on top
toast ng bread, 3 slices(cereal bread if meron.)
Lagyan ng butter ang toasted bread.

Ayan may dinner ka na.
Kung may tira kang pink wine sa fridge, okey na okey yan.

Fish and chips

Isda (seawolf masarap) Loup in french.
Binili ko frozen na.
Thaw ko sa umaga, pag dating ko sa gabi, lambot na.
Lagyan ko ng A.VogelHerbomare salt (nabibili sa store)
Roll ko sa bread crumbs, nabibili sa store.(Chapelure dito sa France)
Heat ko ang Teflon pan,(non stick pan ang gamitin.)
Lagay ako butter, then prito ko ang fish rolled in bread crumbs.
Voila, may lutong ulam na.
Either frites and sidings, or boiled brocoli (or any in season veges)

Kung may alam kayo na easy to prepare meals, share nyo na lang.
Meron nabibiling 2 minute preparation meals.

Microwaveable! LOL

Have a nice sunday evening to all.
Bukas balik Butler na naman ako! waah!


 
posted by Francesca at 7:54 PM, |

2 Comments:

Vogel Herbomare is my favourite seasoning ;-)
I agree Herbamare is the only thing I use now, no more salt!