May PC na si Sir!

Saturday, February 19, 2005
At asar na asar si Butler, kasi most of the day nasa office room ang mag ama (aso at si Sir)
Kasi kung saan si Sir , andoon din si Aso.
Eh, dami balahibong kalat sa Office, kaya dumami trabaho ni Butler.
Me, ang sala, malinis! Hehehehe.
Kaya tambak si Butler sa trabaho.
Ako pa easy easy lang.
Wala gulo sa toka ko.
~~~

Nag squeeze ng Juice si Butler para kay Sir, sa manual squeezer.
Kaya ang lumabas na juice sa orange fruit, kokonti.
Sabi ko, wala ba sila machine na squezer niyan?
Wala raw.
Hala, pag maka tatlong kilong oranges ka na niyan saka lang mapuno ang baso.
Bakit di ka mag suggest na pabili ng machine no!

Di na raw, baka next month di na iinom ng orange juice.

He is hopeful, isnt it?

Di ko lang ma suggest na bilhan na ng squeezer, kasi ang kitchen di ko responsibility.
Kaya bahala si Butler dyan.
~~~~~~~~~~~~~


Basta yon vaccum, bago na.
Yong plantsahan ko bago nga, maliit na man ang size, si Madame bumili, ayoko ikabit!
Pinakita ko sa kanya (Madame) sabi kay Butler, punta ng Italy at bilhan ako ng mas malaking size.
Sama ng tingin ni Butler.
Di ko siya tiningnan, bahala siya mag ngit ngit!
Dag dag work nga naman sa kanya to drive to Italy, mga One hour din yon with the Car.
Ayaw ng Madame ng French made na gamit.
Patriotic sila sa Italian Made Products, kahit pang tanggal ng mantsa ng damit, mula pa sa Italia!
~~~~~~~~~~~~~


Kaya ang buhay ko naadjust lagi sa ibat ibang lahi.
Michel: swiss blood niya, minsan, besides on being french.
Butler: typical french, dumb dumb nga lang minsan.
Employer Italians; German Italians.
Olalalalahhh!

Pinay pa rin ako.

Minsan sagot ko sa kanila, Tagalog na!
Kakaloka!
 
posted by Francesca at 11:04 PM, |

0 Comments: