Madame pasaway!

Tuesday, February 08, 2005
Kung kelan 4pm, ready na ako to go home, saka naman buzzer si Madame.
So bukas ako pinto, let her in.

Hi, sabi sa akin, I am early! (ganda ng ngiti sa akin!)
Ako naman asar!
Kasi di ako makakaalis nyan!
Gawin niyan, ikalat ang fur coat, boots, and handbag niya sa hallway.
Sunod ako pulot!Lagay sa closet!
Then deretso sa kusina, kuha ng pamplemouse and oranges, pa squeeze daw, inumin niya.
Meaning, hugasin na naman ang squeezer machine at baso niya.
Then deretso sa fridge.
Labas ng mga gulay, pahiwa, paluto, etc etc.

May maktol man ako, okey na lahat at 5pm.

Yehey, sa wakas, uwian na.

Eto na, pasok uli ng kusina,
Gawa raw siya Crepes!
Meaning, hugasin na naman at ligpitin!
Mga kawali, bowls at mga kalat niya!
Kalat pa mag basag ng eggs!

Arrrgh!

Lalabas ako nito , instead ng 430 pm, 6pm na.

(Kaya pala pag nadatnan niya ako sa bahay, sarap ng ngiti!)
May taga sunod ng kalat niya!
Buti pa umalis na ako ng quarter to 4 pa lang!hu hu

Paalis na ako, this time huh, 6pm na!
Humabol!
Gawa ko raw siya ng Tea!

Gusto nyo employer ko?
Okey siya mag bayad, wala delayed!
 
posted by Francesca at 10:06 PM, |

1 Comments:

hahahahaha pasaway nga! natatawa talaga ako ha. kunin nalang kaya ninyo akong taga sunod ni madame.