Integration to French Society

Saturday, February 05, 2005
Last December 29, 2004, na issue sa akin ang Titre de Sejour ko.
Ito ang residence card ko bale.Nakadikit sa passport ko na parang visa.
Ganon pala yon?!

Before that, daan ako sa medical sa OMI
(Office Migration International)
Sila ang nag te check kung okey ang health ko to stay long term sa France.

Of course, tanong sa akin, kung balak ko ba mag stay forever sa France.
Sabi ko oo naman, basta ba uwi ako sa bansa ko yearly.

No problem naman daw. Kung balak ko bang mag join na sa society ng France.
Oo sa bi ko.

Meron kasi sila form na papirmahan sa akin, na willing ako mag integrate sa kanila, respetuhin ang batas nila at sundin ito, etc etc.
So pirma naman ako, wala na isip isip pa!
Bah, yong iba nga dream na maging french citizen one day,ako rin huh!hihihihi!

Sabi ng taga immig, hingi raw sila one day from me between 9am- 4pm
Whole day with free meals.

February 10 ang schedule ko.
So paalam ako kay Sir.
Nakikialam si Butler.
Ano raw gagawin ko?
Sabi ko civic action yon.
Baka mag walis ng kalsada or mag traffic sa Nice.
Or mag alaga ng mga walang nanay o tatay sa bahay ampunan.
Bat ka tanong ng tanong?

Sagot niya: strange?!(weird daw.)

Mind you di ko rin alam.
Basta ang importante, may free meals!
Di ba?LOL
Ewan kung meron na sa taga France na nagbabasa nitong blog ko na dumaan sa civic action na ito?
Wish ko,wag naman sana ako ipadala sa gyera sa Cote d' Ivoire!


 
posted by Francesca at 8:12 PM, |

6 Comments:

super tawa naman ako sa last line mo..aba pag pinadala ka sa côte d'ivoire, consider it as a vacation na lang hehe, dont forget to bring your cam.

di ako nadaan dyan sa civis action na yan, bago siguro inline with their integration program. kwento mo pagkatapos ha so we will be informed too.
yap, post ko rito at sa asawa, para sa mga mag future french integrate din.

Sana nga hindi boring!di bale, dalhin ko best seller book ko para di ma bore, hihihihi
hehe...antay lang ako ng kwento mo..hey, kelan na nga one year marriage anniv nyo? you could adopt french nationality after a year right? ill be waiting for your update on that too...di pa ko start ng processing e..
nagustuhan ata ako ng taga OMI, girl siya at super bait.
One year ko raw, pwede na ako mag french citizen.
Pero, may pero!
Kunin ko raw muna mga minors ko sa Pinas to France, kasi naman aaprove naman sila basta may work ako at may space ang bahay to accomodate them.
Kasi kung apply na raw ako ng french citizen on August 17,2005 wed anniv namin, tatanungin raw ako ng Tribuna before ma approve ang citizenship ko ng ganito:
May balak ka bang dalhin ang relatives mo sa France?
Pag oo raw sagot ko, deny citizenship ko.
Kaya ang tip niya (ng interviewer) kunin ko raw muna minors ko by Oct 4( one year date of arrival ko sa France) pwede ko na pass ang application for petition of minors.
But we will see, i keep you updated!
o di ba, me free advice ka pa. san ka naman nakakita nyan hehe..ilan ba tsikiting mo dun? feel ba nila maglamyerda din sa france? aba, sino na maiiwan sa business mo dun?
I got three children ages 21, 16, 15( girl, girl,then boy respectively)
Yong 2 minors pwede pa, yong 21 ko , hindi na.
Kaya maiiwan ang business sa kanya!
Nang malaman niya itong balita na hindi na siya pwede, mag internet na lng daw siya sa Frenchman para sama sama na kami rito.
Ahay, natouch ako!
pero matagal pa yon, sabi sa akin ng iba, it took 9 months daw sila bago na approve petition of minors.
Kaya baka mag college na lang sila don muna while waiting.