Friday, Cruella de Vil day?

Saturday, February 26, 2005
Friday nag hysterical ang Madame ko.
Dumating at 12 noon, naka tupi pa ang carpet.
She didnt like it at all!
Sabi niya sa akin, tanghali na, hindi pa tapos ang linis ng bahay?
Ano ang ginawa mo? Tatlong oras na ang lumipas, wala kami since Monday, blah blah blah...

Hindi ko pinansin, deretso ako sa kotse niya to get her shopping bags, sunod siya, ng blah blah blah ulit (sa labas na yon ha), yong driver, natakot, tapos baba ng gamit niya, lipad agad ng kotse back to Italy.

Si Butler, nininerbyos.
Alam ni Butler, mataray din ako.
Pag sumagot ako, Patay na!
Gyera mondial!

Pero...
Ako ay may decency sa katawan.(shh minsan ...)
Hindi ako sumagot,
Pagkatapos lagay ng gamit ni Madame, hinarap ko siya at nakinig ng blah blah blah niya hanggat nawalan na ata ng sasabihin, tumigil din.
Nakinig lang ako na para bang Pari nana kikinig sa nangungumpisal.lol
Sa tabi si Butler, nag hihintay, mag referee.
Pero di siya pwede gumitna, parehong babae ang mag sasalpukan! LOL

Anyway, nang matapos daldal si Mme, sabi ko ng mahinahon:

Ang bahay malinis na. Ang carpet nakatupi dahil dadaan ang aso.
Pag nakapasok na ang aso, saka ko ayusin na pabalik sa dating ladlad!
(Hirap man ako mga french, buti na intindihan!)
Sapo ni Madame ang dibdib niya.
Oh,Pardon daw, sorry at akala niya hindi pa ako tapos, tanghali na.
No problem, Mme, sabi ko.

Hinarap si Butler, sinigawan, ng "ano ang hinihintay mo ryan, don sa kusina, ayusin ang dala ko."
Na pagdiskitahan si Butler, wawa naman.

Then nag ikot, malinis nga ang bahay.
Pahiya siya ngayon.
She looks sira ulo kasisigaw sa labas ng building !
Mga kapitbahay, buti di nakikialam.

Pero hindi ako affected. Kasi tama ako.
Siya naman jumped into conclusion.
Pero nag sorry naman siya, panay ang pardon! pardon!. lol

Nang mag solo na kami ni Butler (madame nasa room na niya)sabi niya: hindi maganda ang ginawang niyang pagsigaw sa labas! Kakahiya.

Me: Thanks, Butler, for the emotional support...

Butler: W e are not slaves here.We are workers but not slaves!(yong ugat sa noo niya nag panting, heheheFrench talaga, asar sa ganyang trato.)

Me: Okey na naman siya eh,nag sorry na siguro pagod lang sa biyahe.

Butler: Pero hindi tama yon, nasa bansa tayo ng France, na slavery is illegal , lalo na sigawan tayo sa labas! (galit na si Butler!)
Kaya umalis ang dating Portuguese dito, dahil away talaga sila.

Me: Matanda na siya, tayo na lang ang mag pasensiya, besides, she is wrong, not us.Siya na magdadala non.

Tahimik na si Butler, uwi kami ng 1pm. Friday yon, kahapon.

Today, nag dumating ako sa work ko, si Madame parang maamong tupa.

Madame: Hi, how are you, is it cold outside?

Me: Yes Madame.

Madame: you know ,I have a sore throat, touch my forehead, i got fever.

Ahay, Madame ko nag papa pamper sa akin.

(One way to say sorry about yesterday, akala ko di ka na papasok!)
Gusto ko sabihing, kasi nagger ka kahapon, kaya napala mo.
Kaya lang di pwede sabihin, kahit alam ko pa in french.

Well, on the whole, she is not silly. She knows she reacted badly yesterday and she try to make ammends to it.
Kaya ko na post dito, kasi pasok siya uli sa kuwarto niya today, pag labas niya, isang bag ng perfumes and lipstick and facial creams ang binigay sa akin!

Then at 12noon, sabi ni Sir, tawag ako ni Madame.
Takbo naman ako.Akala ko mag blah blah na naman!
Yon pala:
Personal na binigay sweldo ko for the month!
Dati si Sir ang nag aabot non!
Papansin talaga Mme ko, hihihi

She is nice on the whole.She just needs attention. Sincere attention.

Mas na concern pa nga ako, kasi she is old na, no kids, only a dog to keep her company and only si Sir to cheer her up, eh nakakasawa na siguro!LOL
Maraming ganyan sa Monaco.
Getting old, with lots of money but cant have the normal happiness we average people enjoys.
They dont go to shop or eat in Nice, kasi takot sila.

I shared with Butler some of the stuffs she gave me.
For his Thailandaise GF ha, malay non maglipstick.

Have a nice weekend to all.(smile)
 
posted by Francesca at 7:35 PM, |

2 Comments:

Hi utuin mo lang amo mo thats the secret....smile ka lang wag di patalo! ako wala lipstick?
Mga kulay PINK! ang binigay na lipstick! nGIIH, anhin ko yon?

Tapos yong mga perfumes, mga samples LOL;Marami, kaya hati kami ni Butler.
Kesa wala, sige na lang!
yong facial isang set ng Diadermine!
Tingnan ko kung hindi uurong mukha ko, after gamit! LOL