January 15,2005 Butler, tahimik!shock!

Saturday, January 15, 2005
Pag dating ko ng work at 9am, tahimik si Butler.
Tingin ko na boldyak! lol

Di ko lang alam ang kwento. Suspense ano?
Ako rin.

Kaya ko alam, kasi di kumikibo! Pag kinukuha ang vaccum cleaner sa akin, lungkot mata!
Kala mo namatayan! Then di palakwento.
Tiyak ko na boldyak ni Boss, kasi dumating kahaponsina Boss, wala naman ako, hehehe.

Sa panghapon ko naman, 1pm pasok ko, aba wala sila ng buksan ko pinto! Yehey!
Then nasa lamesa, 500 euros!

violet color Mama! (shocking!)
First time in my life makahipo non ha?
Lagi, 100 euors lang, kasi mostly sweldo ko sa pang umaga ko, checke!

Pakita ko kay Michel, fake daw!
Ginoyo pa ako, para maging kanya! lol
Nearly two weeks ko yon, salary wala siguro barya si Madame kaya inadvance na ang iba.

4pm, tapos na ako.Tawag ako kay Michel kung pwede pasundo. okey raw.
Ten minutes after, call si Madame, pwede raw ba ako bumaba sa lobby,
dami niya pinamili, patulong.

Patay!

Di na naman ako makapuslit.

Ang work ko kasi sa kanya, kung wala na work, uwi, kung gusto ko mag extend, bahala ako.
Eh pag ganyang nag grocery, patay na, one hour pa bago ako makakauwi.
Ayos ng grocery, handa ng dinner, or minsan, serve ako ng tea and biscuit sa kanila.

Kakainis ano?

Pero ngiti lang, at yong 500 violet baka maalala,,,, palitan ng baryang sweldo, hihihi.

Pinaluto ako ng grilled red bell pepper sa oven for 20 mins, then check ko, di pa rin luto, another ten minutes, pinakita ko sa kanya, hilaw pa raw. Kasi bago ako aalis, nakaready na dapat yon for salad, with olive oil. Naka set na ang table for three bago ako alis.

Inis!

Buti ng pinakita ko sa kanya, sabi, I can go home , when to eat na raw sila saka na lang niya iluto uli.

yan ang buhay chimay.

Pero si Butler, ha? Tahimik! Hik hik hik
Baka nag break sila ng GF niya?
Abangan!
 
posted by Francesca at 7:03 PM, |

9 Comments:

Naku, wawa naman si butler! Baka pinagalitan kasi madumi ulit ang dahon ng fortune plant, hehehe.
siguro,
or i think yong tawag niya 300 kms away long distance, para lang sa gulay, sinabon, hahaha!
wawa naman, ipost ko dito if alam ko na. Tsismis ito, hihihi
ako di pa nakakita ng violet. kahit yung green di pa. mga kuripot kasi mga dutch hanggang EUR 50 lang ang sini-circulate nila dito. pag ikaw nagbayad ng EUR 100 di tatanggapin!

pa frame mo yung violet pls, lol!
teka, sabi ni dutchman its not about them being kuripot raw but because of "falsification". o sige na nga pagbigyan, ang kulit hahahaha
Miss T,
Tell Dutchman I was thinking the same, baka fake nga ito! Lol
if true na fake ito, my employer got a printing business. Hala!(shocked!)

Sabi naman ng isang asawa members sa pm ko, fake nga raw ba, ayun kay Michel?LOL
Sagot ko, kasi ginogoyo ako ni Michel para kanya na lang!
Then yong isa naman, tanong, bakit nagkakalat ng 500 euros employer ko.
Eh sweldo ko yon, kasi sa lamesa sa kitchen niya yon iniiwan on top of my notebook of hours, kwentado na how much is my week salary. Isip ata, nakalimutan lang ng Madame yong 500 ,lol!
!
Bukas malalaman natin, kung accepted ng bank.
Gusto ko nga ilaminate na lang! ngunit, 37,000 pesos din yon ba! sayang tubo interest sa bank!
hehe
Grabe...baka maging interested ang younger sister ko sa type ng trabaho mo...pano ba?

Kahit ako, naiinggit sa kita mo...kelan kaya ako makakahawak ng ganyan kalaking money?
Tita Amy,

Ang sosy mo ha! Pa-Monaco ang byuti mo at nakaviolet pa. I like reading your blog, i-add kita sa blog ko.

Carrisse
mahirap na trabaho ito, kasi manual work.Hate ko pa naman mag linis ng wine glass. Hand wash tapos nipis nipis ng glass.Silipin pa sa araw kung wala na dumi!
ay, abutin ng siyam siyam bago ka matapos!
thanks carisse, welcome!wink!