Butlers' Pantalon

Thursday, January 20, 2005
Kakapungas ko lang sa late, ito na si Butler!
Sabi: I bring my pantalon ha, for you to wash in the machine!
Sagot ko: What?

"I brought my trouser for you to wash in the machine!"

"Why?"

"Its because it is my uniform, it is to be wash here."

"Ah!(tumaas kilay ko!) So I should bring mine too then, also my husbands'!"(paasar kong sagot!)

Why are you angry, it is like that here!"

"Oh I dont know, I ask Madame first when she comes Friday!
I wash that when she said okey!"

You ask! (sabay talikod niya!)

Sa isip ko loko ka, bat pantalon mo labhan ko!
Di ka Boss dito noh!
Manigas yan dyan sa lalagyan, di ko labhan yan!
Tuloy ako sa pag lilinis ng mga kuarto!


Naisip ko, sige na nga, labhan ko na ang pantalon ng damuhong yon!.
For the sake of peace! (hehehe)
Sinabay ko sa mga basahan!LOL
Lagay sa machine,( 40° program lang,) hindi 90°...kawawa naman basahan ko pag nag shrink!
(hindi yong pantalon niya ang worry ko.)
Kaya 40° lang, mild warm water.
Sabay locked ko ang door with the key.
Baka dumaan, makita niya nasa machine yong pantalon niya!
Sabay ng pang mop ko at mga pang punas sa banyo!LOL

Wise ito noh!Ayaw patalo!
Tipid pa sa sabon , tubig at kuryente, di ba?.
Then nilagay ko sa dryer.
Sabay rin ng mga basahan!


O di ayos!Bigay ko sa kanya after!
Ayan na, Sir!sabi ko.
Sarap ng ngiti, akala nadale ako!Hek! hek! hek!

Oy huwag niyo ako gayahin!
I am nasty!

Kung tutuusin ha, bitbitin niya from home kaisa isang pantalon para labhan ko?
Eh kung sinabay na lang niya sa mga ibang labahin niya sa bahay, wala ba siya washing machine?
Tsk tsk tsk!
Nang aasar siya, buti nga sa kanya!

 
posted by Francesca at 10:04 PM, |

4 Comments:

I laugh so hard about the "pantalon",kasi may naalala ako,kapareho ng ginawa mo!Buti na lang di ako nag-iisa!Keep up the good work!

csassman
Pilya ka talaga francesca. Baka mamya ma in-love si Butler sa yo. Sige ka. lol
uy, thanks cassman and anonymous!
di pa rin alam ni butler sa ginawa kong laba sa pantalon niya.
At may complex ata yon!
Pag tinawag ko siyang Mr. Bugatti Junior(example lang na apelyedo ni Sir ito)
aba lumilipad ang tenga ng eng eng!
feeling boss siya!
Pinagbibigyan ko na(sa tawag na Sir Junior).
Nananaginip eh!
hahaha! ano kaya reaction nya pag na-diskubre nya ginagawa mo sa pantalon nya? Madala sanan sya noh! Tamad nya! Talaga lang sigurong me delusion of grandeur pag ikaw ang kasama, o superiority complex...